Noong isang linggo ay namatay na ang ama ni Angeline Quinto na si Pop Quiros dahil sa kidney failure.
“Medyo nagkaroon po ng komplikasyon si Papa eh. Actually, maraming sakit na nakita ’yung doctor pero ang pinaka-main cause po ng pagkamatay niya eh ’yung kidney failure. Noong nagkita po kami sa ospital. Hindi na po siya nakakapagsalita eh pero nakakapag-usap po kami. SenÂyasan lang,†emosyonal na kuwento ni Angeline.
Sa mga huling araw daw na kasama ng singer ang ama ay hiniling ni Angeline na labanan nito ang karamdaman para magkasama pa sila ng mas mahabang panahon.
“Magbi-birthday ako next month, November 26 po. Tapos ’yung bahay ko po, ’yung dream house ko, malapit nang matapos. Ngumingiti pa siya sa akin,†pahayag ng dalaga.
Siniguro raw ni Angeline na magkita at magkausap ang kanyang inang si Rosemaria Mabao at ang kanyang ama bago ito mamaalam.
“Tinawag ko na po si Nanay Susan (palayaw ng ina), kasi simula nung nakilala ko si Nanay Susan hindi pa sila nagkikita ni Papa. Alam ko rin ’yung mga sama ng loob ni Papa ko kay Nanay Susan. Kaya nung nakita ko na gano’n, tinawag ko na si Nanay Susan para kahit po paano ay makapag-usap sila. Hindi na nakadilat si Papa no’n eh. So, kamay na lang niya ’yung gumagalaw. Pero alam ko naririnig niya kami ni Nanay Susan,†pagbabahagi ni Angeline.
Maraming bagay ang hinahanap-hanap ng singer sa kanyang ama ngayong iniwan na siya nito.
“Sobrang dami po talagang bagay na nami-miss ko sa kanya. Siya po kasi ’yung tumayo talaga na nanay at tatay sa aming lahat. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako makakarating dito kung nasaan man ako ngayon. Humihingi rin ako ng tulong sa kanya na sana po makayanan po naming lahat ’yon kasi may guardian angel na kami,†pagtatapos ni Angeline.
Cougar? Vina game sa mas bata
Handa na raw muling makipagrelasyon ang aktres na si Vina Morales. Minsan pa nga ay binibiro niya ang nakababatang kapatid na si Shaina Magdayao na kailangang siya na muna ang magka-boyfriend bago ang huli.
“I am ready. It’s just that I have no one yet to be committed to. For now niloloko ko nga si Shaina na, ‘Oh, basta ako muna ha? Bago ikaw. Shaina, unfair na ’yan kapag ikaw ulit. Ako muna kasi medyo matagal na akong walang boyfriend,’†pabirong kuwento ni Vina.
Mayroon daw ilang nagpaparamdam sa singer-actress ngayon ng kanilang hangarin at wala raw problema kung mas bata sa kanya ang makakarelasyon.
“Cougar? Naku! Bata pa naman ako ’no?! May mga nagte-text-text sa akin. If somebody would want to date me who’s younger than me sana not so young naman. Maybe a bit younger? Why not? Let’s see kung magki-click,†nakangiÂting pahayag ni Vina.
Samantala, kasama ang aktres sa tele seryeng Maria Mercedes na nagsimula na kagabi sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.
Reports from JAMES C. CANTOS