^

PSN Showbiz

Marian walang dala, gusto pa ring mag-produce

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kahit napagod, magandang experience pa rin kay Marian Rivera ang pagiging producer dahil marami siyang natutunan. Depende sa resulta ng Kung Fu Divas nila ni AiAi delas Alas, hindi ang movie ang last time niya sa pagiging producer.

Hindi raw siya madadalang magprodyus lalo na kung may magandang project na ipi-present sa kanya. Hindi pa nito masagot kung kailan sila magsasanib-puwersa ni Dingdong Dantes na magprodyus at sila na rin ang mga bida.

Nang makausap noong isang araw, hindi pa alam ni Marian kung may international screening ang movie nila ni AiAi, pero heto at kababalita lang namin na palabas sa Micronesia Mall sa Guam ang Kung Fu Divas, Oct. 4-17.

Samantala, muling pumirma ng kontrata sa Smart Communications si Marian bilang endorser pa rin ng Talk ‘N Text at TNT baby na siya mula pa noong 2009. Walang iwanan ang drama ng dalawang kampo at nire-recognize ng Smart na isa ang aktres sa nagpalaki sa TNT.

Jericho hindi pa kering makatrabaho si Heart

Sa presscon ng Alagwa, binanggit ni Jericho Rosales ang upcoming projects niya sa TV and movies at kasama ang soap nila ni Angel Locsin, JC de Vera, at Maja Salvador. Sa pelikula naman, gagawin nila ni Andi Eigenmann sa Viva Films ang movie adaptation ng unang hit book ni Bob Ong na ABNKKBSNPL Ako to be directed by Mark Meily.

Dahil sa kontrata sa Viva Films at nakakontrata rin dito si Heart Evangelista, tinanong si Jericho kung kailan nila pagbibigyan ang request ng kanilang fans na gumawa sila ng pelikula? Sa side ng aktres, okay lang daw gumawa sila ng pelikula.

“Hindi pa right timing for us to do movie. Masyado pang maingay at ayaw kong isabay sa ingay ng fans kung may project kami ni Heart. Darating sa tamang panahon kung gagawa kami ng movie, but not right now, ang dami pang ingay. I don’t wanna play people’s feeling,” sagot ni Jericho.

Ano ang reaction niya sa hindi diumano pagpayag ni Oyo Sotto na magtambal sila ni Kristine Hermosa sa isang TV show sa ABS-CBN?

   “Hindi pa siguro timing. They have their own reasons at nirerespeto ko ’yun,” maikling sagot ni Jericho.

   Samantala, patuloy na kinikilala ang Alagwa sa ibang bansa. Kapapanalo lang ng pelikula sa best narrative feature film sa Guam International Film Festival. Nanalo ring outstanding achievement in acting (o best actor) si Jericho at ang maganda ay sama-sama ang nominees at siya ang lone winner.

Sikat na celeb ‘Nabaliw’ sa pananapaw ng baguhan

Ayaw isipin ng press na na-insecure ang sikat na celebrity sa naging reaction nito nang ipakilala ang ibang talent ng kanyang network. Ang feeling ng press na nakapansin sa pagtaas ng kilay ng sikat na celebrity at sa paiba-ibang facial expression, hindi lang nito nagustuhan na hindi marunong mag-placing ang mga kasamang talent.

Dapat nga naman, after ipakilala, pupunta na sa likod o sa gilid ang mga ta­lent at hindi tatakpan ang mga naunang tinawag na mas kilala sa kanila. Dahil mga newcomer, tinakpan ng mga ito ang mas  senior sa kanilang stars.

Okay lang sa ibang mas sikat na talent ng network ang pananapaw ng mga newcomer, hindi lang nakapagpigil ang isang celebrity dahil kitang-kita ang pagtataka sa kanyang mga mata, kilay, at mukha. Hahaha! Ang cute tingnan ni celebrity that night!

Bela trip na magka-award kahit extra lang

Tiyak na may mang-ookray kay Bela Padilla sa sinabi nito: “Feeling ko first movie ko ang 10,000 Hours na may chance akong ma-nominate.”

Pakiramdam lang naman ito ng aktres dahil first time niyang mabigyan ng maganda at mabigat na role at nag-effort siya ng husto.

Kaya walang basagan ng trip. Malay natin at magkatotoong ma-nominate siya sa December filmfest? Sabi naman nito, puwede siyang ma-nominate sa mga kategoryang best extra, best passerby, at best runner. Most of her scenes pala sa Amsterdam, Netherlands ay tumatakbo siya, ayun, sumakit ang mga tuhod at hanggang ngayon ay sumasakit pa.

Ang walang tigil na pagtakbo ang isa sa mga eksenang hindi makalimutan ni Bela sa 10,000 Hours at kailangan niyang makipagsabayan kay Robin Padilla na walang kapaguran dahil 4 a.m. palang nagdya-jogging na para sa 7 a.m. shooting. Ayaw din niyang ulitin ang kanyang mga eksena dahil malayo ang tatakbuhin, kaya first scene pa lang ay ibinibigay na ni Bela ang lahat.

vuukle comment

ALAGWA

ANDI EIGENMANN

ANGEL LOCSIN

KUNG

KUNG FU DIVAS

LANG

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with