^

PSN Showbiz

Apl.de.Ap dumalaw sa winasak ng giyera

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Inaayos pa rin ang mga napinsala ng sunog sa basement ng GMA Network, Inc. noong nakaraang linggo.

Inaasahan na babalik sa normal ang operasyon ng GMA 7 bago matapos ang buwan o mas maaga pa.

SCENE: Nagpaplano ang TV5 na hingin ang tulong ng isang prestigious advertising firm para sa imaging ng Kapatid Network.

SEEN: May shooting ang San Pedro Calungsod sa Cebu City. Nakinig muna kahapon ng misa sa San Pedro Calungsod Chapel si Rocco Nacino at ang mga artista ng pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival 2013.

Si Rocco ang gaganap na Pedro Calungsod sa film-bio ng second Filipino saint.

SCENE: Hindi makasabay si Xian Lim sa duet nila kahapon ni Kim Chiu sa ASAP 18.

SEEN: Tagumpay ang dalawang araw na Grand Kapamilya Weekend na ginanap sa Quezon City Memorial Circle noong Sabado at kahapon. Ang Grand Kapamilya Weekend ang pagdiriwang ng 60th anniversary ng ABS-CBN.

SCENE: Dumalaw sa Zamboanga City si apl.de.ap dahil tumulong siya sa rehabilitation ng siyudad na winasak ng giyera sa pagitan ng mga militar at miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).

SEEN: Nagdala rin kahapon ng tulong si Willie Revillame sa mga biktima ng giyera sa Zamboanga City. Ang private plane niya ang sinakyan patungo sa Zamboanga City.

SCENE: Pinipilahan ng mga Pinoy sa Amerika ang mga US theater na pinagtatanghalan ng On the Job. Mabilis na kumalat sa Filipino community sa Amerika ang usap-usapan na maganda ang pelikula na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Joel Torre.
 

AMERIKA

ANG GRAND KAPAMILYA WEEKEND

CEBU CITY

GERALD ANDERSON

GRAND KAPAMILYA WEEKEND

JOEL TORRE

KAPATID NETWORK

KIM CHIU

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with