Kung si Jericho Rosales ang masusunod, gusto na niyang pakasalan, ngayon na, ang girlfriend niyang si Kim Jones. “Gusto ko lang na magkasama na kaming dalawa. Pero wala kaming balak na magkaanak in the very near future. Saka na ito dahil marami pa kaming paÂngarap na kailangang ng matupad. Ang gusto lang namin ay magkasama paÂlagi. Although we see other almost everyday and we talk to each other as often as our schedule permit hindi pa rin sapat ’yon. Gusto pa rin namin ’yung kasal na kami at palagi nang magkasama. Hindi naman kami live-in. She has her own place and I have mine,†paliwanag ng aktor.
Ngayon lamang siya umaamin na mayro’n nga siyang anak na lalaki sa isang non-showbiz girl. Alam ito ng girlfriend niya at wala silang problema dahil matagal na silang walang ugnayan ng ina ng kanyang anak.
Muli ay nanalo na naman siya ng award for outsÂtanding achievement in acting para sa ginawa niya’t ipinrodyus na indie film na Alagwa sa Guam International Film Festival. Pinagsama sa kategoryang ito ang mga artistang lalaki at babae. Bago ito ay nabigyan din siya ng parangal sa Newport Beach Film Festival para sa kanyang natatanging pagganap sa role ng isang ama na nawalan ng anak. Nanalo rin ang pelikula sa Third World International Film Festival sa Milpitas, California, USA. Dito man sa bansa ay kinilala na ang movie at maging ang acting niya at ang gumaganap na anak niya na si BuÂgoy Cariño sa 2013 Gawad Urian at 2013 Gawad Tanglaw. NaÂnalo rin si Bugoy ng best supporting actor.
May gagawin siyang mainsÂtream movie with Mark Meily, ang director niya sa Baler, kasama sina Meg Imperial at VanÂdolph. Kung pupuweÂde ay gusto niyang puro seryoso ang gagawin niyang pelikula at sa TV na lamang gagawa ng mga light projects. Pero ang susunod niyang serye na kasama si Angel Locsin sa TV ay seryoso.
Horror film nina Angel at Vhong hindi na pang-Halloween
Dahil marahil sa matagumpay nilang pagtatambal sa TV kung kaya minarapat ng Star Cinema na pagsamahin sa isang pelikula sina Angel Locsin at Vhong Navarro.
Isang suspense/horror film ang gagawin nila na maganda sana kung itataon sa Halloween pero mukha namang late na kung ihahabol pa sa Nov. 1.