Mahigit 100 Kapamilya stars ipagdiriwang ang 60th anniversary ng ABS-CBN; Sarah at John Lloyd may reunion

MANILA, Philippines - Magsasanib-puwersa ang mahigit 100 Kapamilya stars para sa espes­yal na pakikibahagi ng ASAP 18 sa makasaysayang two-day celebration ng ABS-CBN para sa ika-60 taon ng Philippine television na Kwento ng Kasiyahan: The Grand Kapamilya Weekend.

Sunud-sunod na engrandeng sorpresa at world-class performances ang ihahandog ng buong ASAP Kapamilya at cast members ng iba’t ibang ABS-CBN shows na tumatak sa puso ng pamilyang Pilipino mula noon hanggang ngayon.  

Kaabang-abang ang back-to-back-to-back grand reunions ng ASAP main hosts na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Richard Gomez, Ariel Rivera, at Gary Valenciano; Tonight with Dick and Carmi tandem nina Roderick Paulate at Carmi Martin; at ng Sang Linggo nAPO Sila ‘family’ na kinabibilangan nina Amy Perez, Boboy Garovillo, Bing Loyzaga, Melissa de Leon, at Agot Isidro.  

Alay naman sa solid fans ng mga Kapamilya teleserye ang mga sorpresang inihanda ng Juan dela Cruz stars na sina Coco Martin, Erich Gonza­les, at Shaina Magdayao; Got to Believe love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Maria Mercedes star na si Jessy Mendiola; at Bukas na Lang Kita Mamahalin lead actor na si Gerald Anderson. Makakasama rin ng mga bida ng Primetime Bida sina Andrea Brillantes, Kaye Abad, Zanjoe Marudo, Denise Laurel, Patrick Garcia, at Carlo Aquino ng Annaliza; Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli ng Galema: Anak ni Zuma; at si Richard ‘Ser Chief’ Yap ng Be Careful With My Heart.

Mula sa big screen, magbibigay-kasiyahan naman sa telebisyon ngayong Linggo ang Star Cine­ma box-office love teams na sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, Kim Chiu at Xian Lim, Piolo Pascual at Toni Gonzaga, at sina Richard Goma at Dawn Zulueta.

Bukod kay Sarah, may reunion rin si John Lloyd sa mga kabarkada niya sa Tabing Ilog na sina Kaye, Patrick, Desiree del Valle, Baron Geisler, at Paula Peralejo. Makikipag-jamming ang Tabing Ilog cast sa promising Kapamilya teen stars na sina Kathryn, Julia Montes, Ella Cruz, Khalil Ramos, Miles Ocampo, Kiray Celis, Paul Salas, Francis Magundayao, Igi Boy Flores, Julia Barretto, Janella Salvador, Jerome Ponce, Jane Oineza, Michelle Vito, Dominic Roque, Angeli Gonzales, CJ Navato, Jon Lucas, at Alex Diaz.

Hihirit rin sa Grand Kapamilya Weekend ang mga kilalang Kapamilya comedy stars para sa ma­sayang pagbabalik-tanaw sa 60 years of Come­dy. Pangungunahan ito ng Palibhasa Lalake cast members na sina Richard, John Estrada, Jomari Yllana, at Jao Mapa; Banana Split: Extra Scoop gang na sina Angelica Panganiban, John Prats, Zanjoe Marudo, Jayson Gainza, Pooh, Saicy Aguila, Aiko Climaco, at Sunshine Garcia; at ng nagpasikat ng hit novelty dance craze na Otso Otso na si Bayani Agbayani.

Hindi naman paaawat sa pagpapakilig ng girls ang ultimate ASAP boy group na Kanto Boys na kinabibilangan nina John Lloyd, Vhong Navarro, Luis Manzano, at Billy Crawford.

Samantala, ipagdiwang ang galing at talento ng kabataang Pinoy sa pasiklaban ng dance moves ng Pinoy Big Brother ex-housemates na sina Kim, Sam Milby, Robi Domingo, Nene Tamayo, at Gerald Anderson; Star Circle Quest alumni na sina Erich Gonzales, Joross Gamboa, at Melissa Ricks; at Star Circle Quest kids na sina Xyriel Manabat, Nash Aguas, Sharlene San Pedro, Izzy Canillo, Clarence Delgado, at Bugoy Cariño.

Bibigyang-pugay ang natatanging ganda ng mu­sikang Pilipino sa world-class concert specta­cle ng OPM icons na sina Arnel Pineda, Pilita Co­rales, Mike Hanopol, Randy Santiago, Jet Pangan, Abra; at ng ASAP 18 main stays na sina Jericho Rosales, Jed Madela, Juris, Aiza Seguerra, Richard Poon, Kean Cipriano, Sitti, Nyoy Volante, Princess, at Charice. 

 

Show comments