^

PSN Showbiz

Grupo ng Pinoy actor na-hostage nang mag-shooting sa ibang bansa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakatakot pala ang experience ng grupo ng Filipino actors at staff na nag-shooting sa isang bansa sa Asia. Sa umpisa ay walang naging problema sa shooting pero noong lumipat sila ng location, doon na nagkaproblema. Noong pabalik na sila ng Pilipinas ay ayaw silang paalisin.

Hiningian ng pera ang grupo at hanggang hindi sila nakakapagbigay, doon lang sila sa location. Ma­bu­­ti na lang at nakapagbigay ang producer ng hini­nging pera ng locals ng lugar kaya pinayagan silang makabalik ng bansa.

Hindi makakalimutan ng mga artista at staff ang nakakatakot na experien­ce pero pinagbabawalan pa silang magkuwento ka­ya hindi muna natin ma­la­laman ang buong istorya.

Nahihiya yata ang cast at staff sa naging host nila habang nagsyu-shooting na naging mabait sa kanila kaya ayaw na muna nilang magkuwento.

Pasaring ni Angeli Valenciano sa mga hindi singer na sumisikat hindi pinalampas ni Anne

Nakita namin si Angeli Pangilinan-Valenciano sa presscon ng Alagwa at agad namin tinanong sa naging reaction ni Anne Curtis sa tweet niya (ni Angeli) after ng finals ng The Voice of the Philippine tungkol sa non-singers na pinapakanta sa mga TV show.

Tweet ni Angeli: “If media and the network producers would only stop making actors who have no musical skills sing, the Philippines would be a huge music capital.”

Sagot na tweet ni Anne: “Hi guys! I never said I was a singer BUT I sure do love to sing my heart out! I represent the peeps out there that love to karaoke but aren’t so blessed with a beautiful voice.”

Sabi ni Angeli, hindi si Anne ang binabanggit niya sa kanyang tweets kundi ang mga artistang hindi naman marunong kumanta na pilit pinapakanta. Nawawalan daw ng chance ang real singers na makilala. Nang mabasa niya ang tweet ni Anne, tineks niya agad ito. Nagkaroon sila ng exchange of tweets at nagkapaliwanagan.

“I was not talking about Anne sa tweet ko at si Anne para sa akin ay isang act, nakakatawa at nakakaaliw siya. Okay na kami at natuwa naman ako dahil marami ang nag-agree sa tweet ko at marami ang nag-RT o retweet. Sana nga magkaroon na nang pagbabago,” pahayag ni Angeli.

Bugoy Cariño hindi nagpatalo kay Jericho

Natutuwa kami na may commercial run ang Alagwa sa SM cinemas simula sa Oct. 9 dahil isa ito sa pinakamagandang pelikula this year. No wonder graded A ito ng Cinema Evaluation Board at PG naman ang rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Napanood na namin ang Alagwa at isa sa pina­kamalungkot na eksena ay ’yung towards the end nang makita na ni Robert (Jericho Rosales) ang anak na matagal nawala at namamalimos sa Hong Kong. Nakakaiyak dahil nakilala lang ni Jericho ang anak dahil sa pinatutugtog na harmonica ng kanta na tinutugtog noong bata pa ang anak. Sob­rang heartwrenching ng eksena.

Nakipagsabayan ang child actor na si Bugoy Cariño sa husay ni Jericho. May chemistry ang dalawa at para talagang mag-ama in real life. Nanalo siyang best supporting actor sa 2013 Asean International Film Festival na ginawa sa Malaysia.

Sa tanong kung ano ang natutunan niya sa Alagwa, sabi ni Bugoy “Kapag nasa mall hindi dapat lumayo sa kasama at ’pag nawala, hindi dapat sumama sa iba at dapat pumunta lang sa guard.”

Sabi ni Jericho, hinihintay lang niyang matapos ni Direk Ian Lorenos ang ginagawang pelikula at sisimulan na ang next movie nilang magkasama. The same cast daw ng Alagwa ang cast, kaya muling magkakasama sina Bugoy at Jericho.

Martin nagpa-HIV test

Tingin namin pumayat si Martin Escudero nang makita namin sa press launch ng new shows and programs ng TV5 na kasama ang drama series na Positive na kanyang pinagbibidahan. Pumayat siya dahil hindi nahiyang sa pagkain sa pinanggalingang bansa.

Masu-showcase ang husay sa pag-arte ni Martin sa Positive dahil sa gina­gampanang role ng isang call center agent na nagbago ang buhay nang ma-diagnose na HIV (human immunodeficiency virus) positive. Hahanapin ni Carlo (Martin) ang nakahawa sa kanya habang takot na mahawaan ang buntis na asawa.

Dahil sensitibo ang tema ng series, naging maingat at mabusisi ang pag­hahanda ng TV5 at ni Martin. Dumaan sa workshop at immersions ang aktor kasama ang HIV positive resource speakers ng AIDS Society of the Philippines. Nag-volunteer pa ngang magpa-HIV test si Martin, hindi para gumimik kundi para ipakitang hindi masama ang magpa-HIV test.

Sa Oct. 17, 8:30 p.m., ang pilot ng Positive sa direction ni Eric Quizon.

Makaka-back to back nito ang For Love or Mo­ney sa direction ni Mac Alejandre.

ALAGWA

ANGELI

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

ANGELI VALENCIANO

ANNE

ANNE CURTIS

BUGOY CARI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with