Regine hindi nakatiis, pinatulan ang mga naninirang fans ni Sarah

SEEN: Ang emosyonal na sagot ni Regine Velasquez sa social media bashing na ginawa sa kanya ng ilang fans ni Sarah Geronimo: “I’ve always been supportive and so proud of Sarah sa lahat ng tagumpay nya I’m proud of her.

“For 27 years not once i said ‘im the best im the most popular’ and I will never say that because it’s not true... I am very aware that times are deferent (different) now and that my sound (or me) is no longer needed in this industry.

“I’m still here because of my love for music this is my first love after all. Also because I still want to work... Laos na nga po ako alam ko po yun, actually hindi ko nga sure kung sumikat nga ako. I’m tweeting because I’m hurting, mahal na mahal ko po ang tatay ko... so please if your going to wish him ill, kung pwede lang po sana wag nyo na ako itag. God Bless you guys.”

SCENE: Pinangarap ni Mitoy Yonting na maging pulis dahil idolo niya si Fernando Poe, Jr. Si Mitoy ang kauna-unahang winner ng The Voice of Philippines.

SEEN: Beauty queen ang peg ni AiAi delas Alas sa promo guesting niya sa Bandila noong Huwebes. Beauty pageant contestant ang role ni AiAi sa Kung Fu Divas.

SCENE: Ang British male supermodel na si David Gandy ang bagong image model ng SM Men’s Fashion. Darating sa bansa si David para sa week-long Philippine Fashion Spring/Summer Week na gaganapin sa SMX Convention Center sa Oct. 23 hanggang Oct. 29. 

SEEN: Si Miley Cyrus ang inspiration sa teddy bear picture ni Jolo Estrada. Star Magic contract star si Jolo at introducing siya sa pelikula na pinagbibidahan ng kanyang ama, si Sen. Jinggoy Estrada, at ni Maja Salvador.

SCENE: May thanksgiving party ang cast at production staff ng Muling Buksan ang Puso sa Insomnia Centris sa Quezon City noong Huwebes. Ipinalabas kagabi ang farewell episode ng Muling Buksan ang Puso.

SEEN: Natabunan ng Miss World 2013 victory ni Megan Young ang TV promo ni Sheree tungkol sa paghihiwalay nila ni Gian Magdangal.

SCENE: Ngayon ang kick-off sa Quezon City Memorial Circle ng Grand Kapamilya Weekend, ang two-day celebration ng 60th anniversary ng ABS-CBN.

 

Show comments