^

PSN Showbiz

Marian ayaw tanggalin ang pagiging prangka

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Kung Fu Divas na pinagbibidahan nina Marian Rivera at AiAi delas Alas. Kasama rin dito si Roderick Paulate na humanga raw sa pagiging mabait at prangka ni Marian. Maihahambing daw kay Maricel Soriano si Marian.

“Kapag totoo siya, ipakikita niya na totoo siya sa ’yo. Kaya lang, ’yun, ’wag mo siyang dedenggoyin which is very Maricel. ’Pag niloko mo siya nasasaktan siya,” paglalarawan ni Kuya Dick.

Minsan na rin na pinaalalahanan ng aktor si Marian na huwag masyadong maging prangka lalo na kapag nakaharap sa publiko. “Medyo sobra pa ’yung pagkatotoo niya eh. Nagre-react pa siya pero hindi importante kasi kung ano ’yung sinasabi ng tao eh kasi you cannot please everybody. Alam namin na matatagal na sa showbusiness na totoo siya, na mabuti siyang tao, that’s enough.”

Ayon naman kay Marian ay hindi niya kinakailangang baguhin ang pagiging prangka niya dahil iyon ang kanyang totoong ugali. “Wala namang masama sa pagiging totoo as long as wala akong tinatapakang ibang tao. Katulad n’yo lang din ako na tao na nagre-react. Katulad ng sinabi ni Kuya Dick ’di ba, kung ano ’yung ibigay mo ’yun din ang ibibigay ko sa ’yo. Siyempre naman inaway ka na nga, mag-thank you ka pa ba?” natatawang paliwanag ng aktres.

“Kasi ’yun nga sinasabi ko eh, hangga’t hindi n’yo nakakatrabaho si Marian Rivera, hindi n’yo makikilala ang totoong ako.”

Meg natsugi agad dahil kay Tom

Noong Lunes ay nagsimula na sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN ang teleseryeng Galema: Anak ni Zuma na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. Gumaganap naman bilang nakababatang kapatid ni Andi si Meg Imperial sa nasabing proyekto kaya masayang-masaya ang baguhang aktres.

“Nagkaroon kami ng team building, so, nag-bonding kaming lahat ng cast para pagdating sa taping madali na lang. Si Andi, noong nag-workshop kami, very approachable and open. Kung ano siya, ’yun siya. Kung ano ’yung nakikita mo sa TV, walang pagpapanggap or something. So, naging comfortable ako sa kanila. Though may ilang factor pa rin kasi silang lahat magkakakilala na sila and ako baguhan so, nando’n ’yung pakikisama as baguhan, nahihiya pa rin ng konti,” kuwento ni Meg.

Samantala, naging bahagi rin ang dalaga noon ng Be Careful With My Heart pero hindi rin nagtagal dahil sa paglipat ng istasyon si Tom Rodriguez. Bagong love interest dapat ni Tom si Meg pero nakakailang episode pa lamang ang aktres ay tinanggal na siya.

“Nanghinayang ako pero no’ng first taping ko pa lang sa Be Careful, nakausap ko na si Tom Rodriguez regarding that. Nabanggit na niya sa akin, una pa lang. Napaisip na ako kaagad na ‘Hala! Kaka-taping ko lang, wala na kaagad kasunod.’ Saka hindi pa na-establish ’yung character ko ’tapos nawala agad. So, sayang, inisip ko, siguro kung medyo natagalan pa ako ng konti, baka puwede ako mag-stay kahit wala na si Tom kasi hindi na-establish eh. Nakuwento ko naman sa manager ko na gano’n ’yung possible na mangyari. Sabi naman nila may mga project naman ako na naka-lineup dahil nakakontrata ako sa kanila,” pagdedetalye ni pa Meg. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                    

vuukle comment

AKO

ANDI EIGENMANN

BE CAREFUL

BE CAREFUL WITH MY HEART

KUYA DICK

MARIAN RIVERA

SIYA

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with