Sex video hindi pa pinagsasawaan

Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang pagbabalik-Eat Bulaga ng singer-TV host-comedian na si Wally Bayola matapos ma-involved sa isang sex video scandal. 

Although medyo tahimik na ang kinasangkutang iskandalo ni Wally, hindi pa ito lumalantad hanggang ngayon.

At kung unti-unti nang `namamatay’ ang sex video scandal ni Wally, muli namang nabubuhay ang sex video scandal ng magkasintahang Chito Miranda at Neri Naig dahil meron na naman daw bago.  How sad.

Cris hinihintay makipag-reconcile kay Tina

Not everybody knows na ang dating ka-loveteam at boyfriend ng singer-actress na si Tina Paner, ang dating That’s Entertainment member at actor na si Cris Villanueva ay isa ring mahusay na painter.

Si Cris ang gumawa ng mermaid with a child painting na naka-display sa salas ng box office TV and movie director na si Wenn Deramas.

Si Cris ay isa sa malalapit na ka­i­bigan ni Direk Wenn at madalas itong kasama sa mga TV series na pi­na­mamahalaan ng famous TV and movie director.

Samantala, bakit kaya hindi muling ipareha si Cris sa dati nitong ka-love team na si Tina na nga­yon ay nakabalik na ng bansa ang singer-actress na naka-base noon sa Madrid, Spain. Balik-showbiz na si Tina at aktibo pa rin sa showbiz ang kanyang mga kapanabayan noon na sina Manilyn Reynes at Sheryl Cruz.

Kapamilya mahilig mag-experiment sa loveteam

Mahilig ang ABS-CBN mag-experiment ng iba’t ibang team-up para hindi ma-stuck sa love teams alone ang kanilang mga build-up stars at hindi pagsawaan ng publiko.

Napakainit ng love team ngayon ng teen stars na sina Daniel Padilla at Katryn Bernardo pero sa kalaunan ay ipapareha rin silang dalawa sa ibang partners. Posible kayang ipareha si Julia Montes kay Daniel at si Katryn naman sa ibang kapareha?  Tiyak na magkakaroon ng matinding reaction ang mga loyal at solid  Katniel fans pero kung mahal nila ang kanilang mga idolo ay kailangan nilang la­wakan ang kanilang pang-unawa kung gusto nilang mag-grow bilang mga actor ang mga ito. Wala rin naman silang magagawa dahil ang manage­ment naman ng ABS-CBN ang may `say’ kung ka­nino dapat ipareha ang kanilang mga stars.

Sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay walang romantic involvement sa isa’t isa pero tanggap ng publiko ang kanilang tambalan for the last 10 years.

Ang young superstar na si Judy Ann Santos have survived throughout the years being paired to different leading men, ganoon din naman sina Pio­lo Pascual, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Jericho Rosales, Gerald Anderson, Kim Chiu, Toni Gonzaga, at maraming iba pa. Kahit noon ang superstar na si Nora Aunor at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ay kung kani-kanino ipi­nareha kahit identified sila sa kanilang dating mga ka-love team na sina Tirso Cruz III at Edgar `Bobot’ Mortiz. For the stars to grow bilang mga actor, dapat silang ipareha sa iba at bigyan ng iba’t ibang challenging roles.

Show comments