Claudine you cannot fool God - Marjorie

PIK: Paglilinis sa ating kapaligiran, lalo na sa ilog ang mensahe ng kuwento ng Ang Huling Diwata episode na mapapanood sa One Day Isang Araw sa darating na Sabado ng gabi.           

Special guest si Kylie Padilla bilang si Maya ang Diwata.

PAK: Ayaw nang sagutin pa ni Raymart Santiago ang mga binitiwang pahayag ni Claudine Barretto at ng ama nitong si Mr. Miguel Barretto.

Ayon sa kanyang abogadong si Atty. Ruth Castelo, inaayos na raw nila ang statement na ilalabas nila bilang sagot sa lahat na mga sinabi ng mag-ama.

BOOM: Madamdamin naman ang mga pahayag ni Marjorie Barretto na unang nag-react sa mga sinabi ng kanyang ama na it’s either bad parents daw sila o meron silang bad children.

Tinatanong nito ang kanyang ama kung naging bad child daw ba siya dahil kung meron daw siyang nagawa na masasabing isa siyang masamang anak, babawi raw siya sa kanyang mga magulang para mawala ang galit sa kanila.

Nilinaw din nitong hindi siya nakikialam sa away nina Raymart at Claudine. Nabanggit lang daw ang pangalan niya sa affidavit ni Claudine nang mag-file ito ng Anti-VAWC case laban kay Raymart kaya nagpadala raw siya ng statement.

Sana basahin daw muna ng kanyang daddy ang nakapaloob sa statement na iyun na ginamit sa affidavit ni Raymart bago siya pagsabihang nakikialam sa gulo ng mag-asawa.           

Pati ang anak ni Marjorie kay Kier Legaspi na si Dani Barretto ay ipinagtanggol ang kanyang ina.           

Nag-post pa si Marjorie sa kanyang Instagram account ng mensahe kay Claudine tungkol sa sinabi nitong magpalit na sila ng apelyido.

Sabi ni Marjorie; “Hurtful! You are the youngest in this family but you treat us all so disrespectfully. From the eldest to the youngest you have never respected us.

“Enough is enough. I have kept my peace all these time. But this is too much. You have hurt me enough to last a lifetime. You can fool the world and make them believe that we are bad sisters. But you little girl…you cannot fool God. In time…we will be vindicated.”

Si Gretchen naman ay nasa London pa, at wala naman itong reaksyong nai-post sa kanyang Instagram account.

As of yesterday, wala pa itong ipinu-post na sagot sa lahat na mga sinabi ni Claudine at ng ama nilang si Mr. Miguel Barretto.

                                                        

 

Show comments