Jake hindi pinatulan nang ‘banggain’ ni Ronald Singson!

Napabalitang nagkaroon daw ng tensyon sa pagitan nina Jake Cuenca at Congressman Ronald Singson kamakailan. Nakarelasyon noon ng aktres na si Lovi Poe ang pulitiko habang si Jake naman ay patuloy pa ring nauugnay sa aktres. Ayon sa aktor ay hindi naman daw talaga nagkaroon ng gulo sa pagitan nila ni Congressman Singson sa isang bar. “Hindi, really, wala, nothing. Actually, tinanong sa akin ‘yan ng mga kaibigan ko. Gulung-gulo naman ako kasi wala namang gulong nangyayari. Although merong tao, ‘di ko alam kung kilala ba niya ako o ano. Medyo binangga niya ako pero ang ginawa ko na lang, umalis na lang ako. Kasi ilang beses na ‘kong nasangkot sa ganyan. So I just became the bigger person and I just left pero one thing is for sure, ‘di ako nagsimula ng away. Wala namang bugbugan na nangyari,” paglilinaw ni Jake.

Samantala, sa Lunes ay magsisimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang teleseryeng Maria Mercedes na pinagbibidahan ni Jessy Mendiola. Aminado si Jake na nagagandahan siya sa aktres at posibleng ligawan niya raw ito. “Tulad naman ng sinabi ni Jess (tawag ni Jake sa aktres) ‘di ba, nandun ako para mag-adjust. Kung gusto niya talaga ng lalaking liligaw, ‘di ba obviously naman may gusto ako sa kanya, eh di mag-a-adjust ako ‘di ba? Kung kailangang manligaw, kailangan ko matutunang manligaw,” pagtatapat ng aktor.

“Sobrang ganda niya and I think the personality, nakaka-challenge to go for her pero maganda kasi kay Jessy, the times na nag-o-open up siya, the times na nag-uusap kayo na kayong dalawa lang, you see something that’s so reserved. That’s just for her and I enjoy that,” giit pa ni Jake.

Enrique sinusulit ang mga nakakatrabaho

Bukas ay magtatapos na ang teleseryeng Muling Buksan ang Puso na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Julia Montes, at Enchong Dee.

Gusto raw ni Enrique na tumatak at maalala ng mga manonood ang kanyang karakter sa nasabing palabas. “Gusto ko maalala ng viewers kay Francis (karakter ni Enrique) is kahit nanggaling siya sa ibang bansa, in some way gusto niyang maayos lahat eh. Kahit alam niyang wala siya sa position at kahit alam niya na may sakit siya sa puso, wala ‘yun kay Francis eh. Hindi niya iniisip ang sarili niya, which I learned from my dad na nakikita ko tuwing eksena which is giving, giving, giving, selfless talaga,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Samantala, kasama rin ang aktor sa pelikulang She’s the One na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Dindong Dantes. Kahit pinaghahandaan ng aktor ang bawat proyekto na kanyang ginagawa ay marami rin daw natututunan si Enrique mula sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. “’Yung character ko sa She’s the One, hindi naman masyadong mature eh. The kind of same level as Francis pero as a warm up, I mean siyempre lahat naman ng trabaho na ginagawa ko which is with new actors and actresses na nakakasama ko you always learn something. It’s never ending kasi kung iba’t iba ‘yung tao na nakakasama mo pero kung ipagsasama mo lahat, sulitin (samantalahin ang panahon na may matutunan) mo na,” paliwanag ng binata. -Reports from JAMES C. CANTOS
                                                                                                               

Show comments