^

PSN Showbiz

Ruffa nire-request na maging regular sa UKG

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Ruffa Gutierrez ang guest co-host kahapon sa Umagang Kay Ganda, ang morning show ng ABS-CBN.

Positive ang mga feedback sa guesting ni Ruffa dahil may mga nagsabi na dapat na maging regular co-host na siya sa UKG.

Kakayanin ba ni Ruffa na gumising nang maaga? Why not?

Nagawa nga niya kahapon na mag-report sa studio ng 4:00 am at nag-enjoy siya sa kanyang stint.

Misa at People Power’ para kay ER, natuloy

Natuloy kahapon ang misa at people power rally sa provincial capitol ng Laguna.

Ang sabi ng informer ko, nagkulay orange ang kapitolyo ng Laguna dahil orange ang kulay ng suot ng mga supporter ni Governor ER Ejercito.

Ipinoprotesta ng supporters ni Papa ER ang desisyon ng First Division ng COMELEC na i-disqualify sa posisyon ang kanilang pinakamamahal na gobernador.

Dumalo sa misa at protest rally para kay Papa ER ang mga mayor at vice-mayor ng iba’t ibang bayan ng Laguna.

Bitbit ng supporters ni Papa ER ang mga streamer at placards na may nakasulat na “We love you Gov. ER” at “Respect the voice of the people.”

Sheena sinorpresa ang ina

Natuloy ang pagliliwaliw ni Sheena Halili at ng kanyang pamilya sa Singapore.

Hinintay lang ni Sheena na matapos ang tapings niya para sa Binoy Henyo bago siya lumarga ng kanyang pamilya sa Singapore.

Sorpresa ni Sheena sa kanyang mother dear ang Singapore trip.

Walang kamalay-malay ang madir ni Sheena sa surprise na inihanda ng asawa niya at mga anak.

Ginising nila nang madaling-araw si mother dear para sabihin na aalis na sila.

Walang idea si madir sa lugar na pupuntahan nila dahil ang mga anak niya ang nag-empake sa kanyang mga gamit na dadalhin.

So, alam na natin ang sikreto ng success ni Sheena. Mabait siya na anak kaya walang patid ang pagdating sa kanya ng grasya.

Reaction ni Gretchen sa pagpapatanggal ng apel-yido hinihintay

May correction please ako, Baldivia pala ang apelyido ni Dennis Padilla kaya Baldivia ang apelyido ng mga anak nila ni Marjorie.

Screen name lang ang Padilla na unang ginamit ni Dencio, ang butihing ama ni Dennis.

Napag-uusapan ang mga apelyido dahil sa statement ni Claudine na dapat nang palitan ng kanyang mga kapatid ang family name na epekto pa rin ng away nila nina Gretchen at Marjorie.

Nag-react na si Marjorie na hurt na hurt sa  dialogue ng kanilang amain.naabangan ang pagsasalita ni Gretchen na nananahimik si London. Iba kasi kapag si Gretchen ang nag-emote. Wala siyang sinasanto.

An eye for an eye at tooth for tooth ang kanyang drama. Mas palaban si Gretchen kesa kay Marjorie.

 

 

vuukle comment

BALDIVIA

BINOY HENYO

DENNIS PADILLA

FIRST DIVISION

GRETCHEN

KANYANG

NATULOY

PEOPLE POWER

SHEENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with