Perfect 10 ni Sarah may repeat na agad!

MANILA, Philippines - Halos sold out na pala ang ticket sa Perfect 10 concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum sa November 15. Kaya nag-decide na si Mr. Vic del Rosario na pagbigyan ang request ng fans ng alaga na magkaroon agad ito ng repeat - gaganapin sa November 30 pero sa SM MOA Arena naman ang venue. “Para naman mas malapit sa mga fans ni Sarah from South.”

Kuwento ni Mr. Del Rosario, naunang naubos ang ticket sa Patron Section ng November 15 concert. “Usually talaga, Patron ang nauubos. Mayayaman ang fans ni Sarah,” sabay tawa ng big boss ng Viva Group of Companies.

Super hands on daw si Sarah sa concert niyang ito at personal na namimili ng mga kanta at maging sa gagamiting gowns at stage design.

Tenth anniversary concert ni Sarah ang Perfect 10 kaya talaga raw ginagawa nito ang lahat para mas special ang Perfect 10.

Concentrated na raw ito ngayon sa concert. Ayaw daw nito nang patung-patong na trabaho kaya sa concert niya muna ito tututok. Malamang na early next year na raw ito gumawa ng pelikula.

Ogie pumirma ng tatlong taon sa Universal, ngarag sa rami ng trabaho

Kahit si Ogie Alcasid na ang head ng Music Department ng TV5 at puwedeng doon na lang gumawa ng album, pumirma pa rin siya ng tatlong taong kontrata sa Universal Records kahapon.

Ang Universal ang kanyang home label for five years now. Sa limang taon niya sa Universal,  he released three hit albums – The Great Filipino Songbook, Ngayon at Magpakailanman: The George Canseco Songbook and The Songwriter and the Hitmakers. Lahat ‘yun ay nakakuha ng gold record awards. At ngayon ay out na ang kanyang album na Ogie Alcasid: Koleksyon, compilation ng mga Tagalog hit songs.

Eh bakit hindi na lang sa TV5 siya gumawa ng album eh doon naman siya nakakontrata? “That’s under my department pero wala pang plano. Saka sa Universal muna ako,” sagot ng singer-songwriter and OPM president bago pinirmahan ang tatlong taong kontrata.

Tambak ang ginagawa ni Ogie sa TV5. Meron siyang Tropa Mo Ko Uli, The Gift and The Mega and the Songwriter. Kaya naman last Tuesday halos umaga na siya natapos sa taping.

Gusto sanang manood ni Ogie ng laban ng La Salle at UST kahapon pero after the contract signing niya sa Universal, may launching naman sila sa TV ng The Gift kung saan kasama ito sa mga programa na pang-primetime.

Bukas ni Gerald… matatapos na

Ay matatapos na pala ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin, ang teleser­yeng pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Nakapag-last taping na pala ito.

Sayang naman. Parang ngayon pa lang gumaganda ang palabas. Saka ang gagaling ng mga character nila Gerald including Cristine Reyes, Dina Bonnevie and Dawn Zulueta.

Parang nakakailang-Linggo pa lang ito sa ere.

Kung gaano katagal bago ito umere, ganun naman ito kabilis na matatapos.

Mga pelikula sa sineng pambansa 2013 ipalalabas uli

Kahit sinasabing sumemplang sa takilya ang mga pelikulang kasali sa ginanap na Sineng Pambansa All-Masters National Film Festival, tuloy naman ang pagpapalabas ng mga ito sa  Shangri-la Cineplex from the 11th to the 27th of October. Each film by the master directors will have a day and a cinema completely devoted to the showing of their films.

Heto ang schedule:

October 11 (Friday) – Elwood Perez’s Otso

October 12 (Saturday) – Joel Lamangan’s Lihis

October 13 (Sunday) – Peque Gallaga’s and Lore Reyes’ Sonata

October 18 (Friday) – Gil M. Portes’ Ang Tag-araw ni Twinkle

October 19 (Saturday) – Romy Suzara’s Tinik

October 20 (Sunday) – Maryo J. Delos Reyes’ Bamboo Flowers

October 24 (Thursday) – Celso Ad Castillo’s Bahay ng Lagim

October 25 (Friday) – Chito Roño’s Badil

October 26 (Saturday) – Mel Chionglo’s Lauriana

October 27 (Sunday) – Jose Javier Reyes’ Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap

 

Show comments