Derek walang naniniwalang mananahimik!

SEEN : Walang naniniwala na hindi magsasalita si  Derek Ramsay tungkol sa short-lived relationship nila ni Cristine Reyes dahil may image siya na nagpapainterbyu, basta matapatan ng microphone at TV camera.

SCENE : Tambak ang TV interviews sa lahat ng mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala ni Megan Young. Kulang na lang na interbyuhin ang pet animals ng newly-crowned first Filipina Miss World.

SEEN : Ang last-minute shopping ni Megan Young sa Bali, Indonesia bago siya lumipad sa London, England noong Lunes ng gabi.

Maraming bitbit na bagahe si Megan sa kanyang London trip.

SCENE : Ngayon ang last shooting day ng 10,000 Hours, ang pelikula ni Robin Padilla na official entry sa Metro Manila Film Festival 2013.

Ito ang pinakauna na natapos sa mga pelikulang kasali.

SEEN : Preacher na sa Australia ang Muslim daughter ni Robin Padilla na si Queenie.

Proud father si Robin kay Queenie.

SCENE : Ang pasasalamat ng cast at production staff ng Galema: Anak ni Zuma dahil sa mainit na pagtanggap ng televiewers sa pilot episode ng kanilang teleserye noong Lunes.

SEEN : Ilulunsad ngayon ng TV5 ang kanilang mga bagong programa, ang Madam Chairman, Positive, For Love or Money, The Gift, Face the People, at Let’s Ask Pilipinas.

SCENE : “Practice humility and have a loving heart” ang message ni Jackie Forster sa kanyang anak na si Kobe, ang winner sa Slam Dunk Contest ng Fiba 3x3 World U-18 Championship na ginanap noong Linggo sa Jakarta, Indonesia.

 

Show comments