Claudine negative sa drug test! Barretto pinapatanggal na bilang apelyido nina Gretchen at Marjorie
Sumailalim sa drug test si Claudine Barretto para patunayan na walang katotohanan ang akusasyon ng kanyang mister na si Raymart Santiago na drug addict siya.
Negative ang resulta ng drug test kay Claudine na naging emosyonal dahil sinisira raw ni Raymart ang kanyang pangalan na pinaghirapan niya.
Lalong naging kumplikado ang kaso ng estranged couple dahil negative nga ang resulta ng drug test kay Claudine at kontrang-kontra ito sa mga ebidensya na ibinigay ni Raymart sa korte.
Kasama ni Claudine ang kanyang ama nang humarap siya kahapon sa media. Halatang-halata sa mukha ni Claudine na affected siya ng mga pinagdaraanan na problema.
Hindi lamang ang akusasyon ni Raymart ang sinagot ni Claudine. Nagsalita rin siya na hindi na niya kapamilya ang mga kapatid na sina Marjorie at Gretchen.
Humarap din sa media si Miguel Barretto, ang ama ng Barretto sisters bilang suporta sa kanyang bunsong anak.
Type ko ang sagot ni Daddy Miguel na “It’s either we are bad paÂrents, kami ni Mommy, or we had bad children †dahil may-I-ask ng media ang kanyang posibleng pagkukulang o pagkakamali sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga anak niya.
Pero nalungkot ang mga nakarinig sa pahayag ng Daddy Miguel ni Claudine na bibigyan niya ng laya na tanggalin na ang apelyidong Barretto nina Gretchen at Marjorie kung gusto nila.
Hmmm... may choice naman si Gretchen. Kapag pinakasalan siya ni Papa Tonyboy, automatic na Cojuangco na ang kanyang family name. Pero hindi na puwedeng gamitin ni Marjorie ang Padilla dahil hiwalay na sila ni Dennis.
Reaksiyon ni Raymart hinihintay
Ang reaksiyon ni Raymart Santiago ang inaabangan dahil sa negative result ng drug test kay Claudine.
Hinahamon din ni Claudine ng drug test si Raymart. Naloka ang lahat sa sinabi ni Claudine na inuna pa ni Raymart na bitbitin ang mga Louis Vuitton luggage, relo at pera nang mag-alsa balutan ang kanyang asawa.
Sa true lang, nakakapagod ang palitan nina Claudine at Raymart ng mga akusasyon dahil hindi madali na magparoo’t parito sa korte.
Emotionally, financially, physically and mentally exhausting ang pagsasampa ng iba’t ibang mga kaso, lalo na ang pagsagot sa mga katanungan ng media. Mahirap magkuwento tungkol sa mga personal na bagay na hindi na dapat pinag-uusapan sa publiko. Walang nakakaalam sa magiging closure ng legal battles nina Claudine at Raymart. Silang dalawa lamang ang puwedeng magdesisyon.
For the meantime, malabo na magkaroon ng amicable settlement ang magkabilang-kampo dahil magsasampa si Claudine ng bagong kaso laban kay Raymart sa susunod na linggo. May kinalaman pa rin ang reklamo sa pasabog ni Raymart na drug user ang misis niya.
Pinay na naninira kay Megan buko na
Iritable ang mga Pinoy dahil sa isang babae na naninira kay Megan Young bilang ito ang bagong Miss World.
Iniinis lamang ng mga Pinoy ang kanilang sarili. Kung hindi totoo ang mga sinasabi ng detractor ni Megan, dedmahin ito as in huwag pag-aksayahan ng panahon.
Sa ginagawang pagpatol sa detractor, nabibigyan ng importansiya ang hitad na siguradong nag-e-enjoy sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ng mga Pilipino. Tandaan, ang mainis, talo! Huwag sirain ang inyong araw nang dahil lamang sa isang nameless na ginagamit si Megan para mapansin. May mga tao na kaligayahan na ang mambuwisit ng kapwa dahil mga KSP sila.
- Latest