Matapos mag-break Derek at Cristine magsasama sa Hawaii

MANILA, Philippines - “Sure ako na break na sila,”  sabi ng isang friend ko na may koneksiyon kina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Follow up lang ito sa lumabas namin kahapon na split na nga sila.

Wala raw planong magsalita ang dalawa tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na halos tumagal lang ng isang buwan.

Pero aalis daw ang dalawa next week papuntang Hawaii para sa isang show. Nang tanggapin daw ang show, hindi pa sila mag-on. At ngayong tuloy na ito, hiwalay na sila. Baka naman doon sila magkaayos?

After ng Hawaii show, deretso na raw si Cristine sa TFC show sa ibang part ng Amerika.

Tuluy-tuloy din daw ang shooting ng dalawa dahil wala silang choice para sa pelikula nilang My Trophy Wife sa Viva Films.

Inamin ng kausap ko kahapon na totoong nagkaroon sila ng reshoot sa pelikulang ginagawa ng dalawa. Pero apat na araw lang naman daw dahil hindi maganda ang ginamit na bahay kaya pinaulit nila.

Sabi pa ng source, walang planong magsalita si Cristine sa nangyari sa kanilang relasyon ng aktor unless nagbago ang isip niya.

More than a month lang sila nagtagal na kunu-kuno pang nag-deklara na forever na sila. Nagpalit pa nga sa Instagram ng apelyido si Cristine. Pero nakatikim siya ng panlalait kaya iniba niya.

Pero si Derek ay magkakaroon ng presscon today dahil launching ng kanyang bagong serye sa TV5.

Aga gustong I-try ang Indie na may kabuluhan

Malaki na ang ipinayat ni Aga Muhlach nang makita namin siya the other day sa presscon na ipinatawag ng TV5.  Sabi niya, more than 20 lbs. na ang nawala sa kanya. Pero sabi ni Aga kailangan pa niyang magbawas ng at 25 lbs.

Wala na rin siyang bitterness na nararamdaman or nagsa-sourgrape sa naging kapalaran  sa Bicol kung saan hindi siya pinalad na manalo sa pagka-kongresista.

Ayon kay Aga nag-file na sila ng election protest at tama na ‘yun. Hihintayin na lang nilang lumabas ang decision sa protesta nila. “Pero hindi na kami mag-e-effort o sasabihin nila magbabayad ako para bumilis. Ok na ‘yun. Move on na tayong lahat.” 

Basta ang alam daw niya ay ginawa niya ang lahat noong kampanya. At gumastos nga naman siya ng sarili niyang pera.

Ngayon ay nakatutok siya sa kanyang career at nagpapasalamat siya sa TV5 na bukod sa kanyang Pinoy Explorer ay  tuloy na ang pagho-host niya ng Let’s Ask Pilipinas na mag-uumpisa na this month.

Isang interactive show na may apat na contestants na maglalaban-laban lang sa skype ang Let’s Ask Pilipinas. “Ang maganda rito, they don’t even have to dress up and come to the studio. They can stay at home and just do skype on their computers while in various places in Luzon, Visayas or Mindanao. All those who want to join will be required to register first with us. The first time this was offered to me, ayoko. It’s out of my comfort zone. I’m 44 years old, takot na ko sumubok ng ibang bagay. But then, naisip ko, why not? I visited the Warner Bros. Studio in the U.S. where they do the original show and it’s very exciting. With Pinoy Explorer at 6 PM Sundays and this one at 8 PM weeknights, I’ll be seen on TV Sunday to Friday. They’ll show two sides me of as a host. I’m just grateful to TV5 dahil now, I’m also hosting a game show and it’s really a lot of fun,” sabi ni Aga.

Anyway, matagal-tagal rin nating na-miss ang pamamasyal ni Aga sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ng mundo. 

Ngayong Linggo sa Pinoy Explorer, matutunghayan ang bonggang paglalakbay niya sa New York City. Doon ay nakasama niyang mamasyal at mag-ikot ang mga Kapatid stars na sina Derek Ramsay at Megastar Sharon Cuneta. Nakita rin ni Aga sa ‘di inaasahang pagkakataon ang kaibigang si Lea Salonga na nakasama niya sa paglilibot sa Big Apple.

Meron din silang 2-part Romblon adventure kasama ang sikat na volleyball sweetheart na si Gretchen Ho at ang national women’s football player na si Natasha Alquiros sa kanilang pagtuklas sa tinaguriang Romblon Triangle. Magbabahagi rin sina Gretchen at Natasha ng kanilang kaalaman sa sports sa mga batang estudyante ng Cawayan Ele­mentary School. Makisaya din sa kanilang extreme adventures sa Tablas Fun Resort at makisisid kasama si Aga sa tinatawag na Blue Hole ng Romblon.

Mapapanood ang Pinoy Explorer tuwing Linggo 6:00 ng gabi sa Weekend Do It Better weekend primetime block ng TV5.

At pagdating sa pelikula, naghahanap pa rin si Aga ng magandang material. Willing din siyang gumawa ng indie film. Yes, but I’m still looking for new material. In terms of romance, lahat ng klaseng love stories nagawa ko na. I’m so happy with the indie films now being made kasi may freedom sila to do what they want. So I also want to try that, pero something na may kabuluhan.”

 

 

 

 

 

Show comments