MANILA, Philippines - Nagwagi kamakailan sa 10th Annual Lasallian Scholarum Awards (LSA) ang award-winning documentary program na Reel Time ng GMA News TV at ang GMA News Online. Pinarangalan ang internationally-acclaimed documentary na Salat na ipinalabas sa GMA News TV at isang feature story sa GMA News Online para sa kanilang journalistic efforts on youth and education.
Ang winning entry ng Reel Time na Salat, isang nakaaantig na kuwento ng malnourished na mga batang Pinoy, ay nanalo bilang Outstanding Television Feature Story on Youth and Education. Ito ang kauna-unahang local award ng nasabing documentary, pagkatapos nitong maiuwi noong nakaraang taon ang prestihiyosong Peabody award – ang kaÂÂtumbas ng Pulitzer Prize sa larangan ng broadcast media, at ang Silver World Medal sa New York Festivals.
Nakamit naman ng feature article na Circus Science: Putting Big Ideas Under the Big Top ng GMA News Online ang Outstanding Online Feature Story on Youth and Education. Ang nasabing feature story ay isang malalim na ulat tungkol sa kahalagahan ng science and technology education sa bansa.
Ang tema ngayong taon ng LSA ay “Voices that Matter,†na ang pangunahing hangarin ay paÂraÂngalan ang mga nangunguna sa larangan na pamamahayag at kilalanin ang kanilang mga obra na kumikilatis sa mga mahahalagang isyu tungkol sa kabataang Pinoy at edukasyon para sa pagpapaÂlaganap ng positibong pagbabago.