Health is wealth - AiAi

MANILA, Philippines - Ang nag-iisang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas ay pumirma ng kontrata sa Forever Rich Philippines, Inc. (FRPI) kasama ni Ms. Susan Barlin, CEO, bilang bagong endorser ng “miracle of life in a capsule,” functional food supplement, ang Laminine.

Ang Laminine, na opisyal na ipinamamahagi at ini-import ng FRPI mula sa LifePharm Global Network, USA, ay mula sa mga natural na sangkap at aprubado ng ating gobyerno na food supplement upang tulungan ang ating katawan na maghilom sa sarili nitong paraan sa pamamagitan ng pagpapanumbalik dito sa estado na tinatawag na homeostasis (balance).

Bilang tagataguyod ng kalusugan at kaayusan ng katawan, nakita ni AiAi ang kahalagahan at magandang maidudulot ng pagiging malusog para sa ating mga sarili pati na rin sa mga taong mahal natin. Naniniwala siya sa kasabihang “health is wealth.”

Biro nga ni AiAi, “Aanhin mo ang madaming pera kung gagamitin mo lang sa pagpapagamot?”

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi lamang siya gumagamit ng Lami­nine kundi ipinamamahagi niya rin sa mga taong malalapit sa kanya.

Show comments