Marian ibinuking: Aiai ‘In love’ uli sa guwapo at malaki ang katawan

Noong Linggo ay ibinuking ni Marian Rivera sa amin sa The Buzz na ‘in love’ raw ngayon si AiAi delas Alas. Nagsimula ito nang tanungin si Marian kung willing ba siyang i-share o ipahiram ang kasintahang si Dingdong Dantes sa Comedy Queen kahit isang araw lamang. “Pinag-iisipan ko ’yan habang gap eh. Napanood ko kasi sa VTR, ang tawag sa ’yo ‘ate.’ So, parang hindi puwede. Pero ang alam ko may nagkakagusto sa ’yo, ’di ba nag-dinner tayong tatlo? So, do’n na lang siya kasi mukhang mas bagay sila,” nakangiting pahayag ni Marian.

“Huwag naman bebe girl. Wala namang laglagan. Hindi naman ako emotionally ready sa mga sagot mo,” agad namang sagot ni AiAi sa unang pahayag ng co-star sa Kung Fu Divas.

“Gusto ko lang sabihin na si Ate Ai, napakatapang na babae na anuman ang nangyari sa buhay niya, nandiyan siya, nakatayo. At may nagmamahal pa rin sa kanya. Guwapo at malaki ang katawan,” natatawang paglalarawan ni Marian.

Nagbigay din ng payo si Marian kay AiAi tungkol sa pag-ibig.

“Sa buhay pag-ibig ate, kailangan mahalin mo talaga ang sarili mo. At the end of the day, sarili mo ang kailangan mong mahalin bago ang ibang tao,” pagtatapos ni Marian.

Bukas ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Kung Fu Divas na pinagbibidahan ng dalawa.

Andi may gusto pang patunayan kay Jake

Kahapon ay nagsimula na sa Kapamilya Gold ang teleseryeng Galema: Anak ni Zuma na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. Katambal ng aktres sa nasabing proyekto si Matteo Guidicelli. Matatandaang nagkatambal na ang dalawa sa Agua Bendita ilang taon na ang nakararaan. Walang espesyal na namagitan sa dalawa kahit ilang beses na silang nagkatrabaho.

“I guess that just goes to show na noong time nga na ’yun  bata pa kami. Even ’yung relationship namin, platonic lang talaga,” pahayag ni Andi.

Hindi naman daw nangangahulugan na hindi nila gusto ang isa’t isa pero mas pinili nilang maging magkaibigan na lamang.

“I guess ’yung sa amin naman ni Matteo kahit na walang boyfriend or girlfriend kami noon, hindi naman po talaga ganun, pero hindi naman po ibig sabihin na just because we work together we have to fall in love with each other,” paliwanag ng aktres.

Samantala, nasangkot si Andi sa naging hiwalayan nina Billy Crawford at Nikki Gil kamakailan pero iginiit ng aktres na hindi siya ang naging dahilan ng hiwalayan ng magkasintahan.

Sinasabing ang anak ni Mayor Joseph Estrada kay Laarni Enriquez na si Jake Ejercito pa rin ang espesyal na lalaki para sa Kapamilya actress. Kahit hindi pa opisyal na magkasintahan sina Jake at Andi ay may gustong patunayan ang aktres sa sarili at sa mga taong nakapaligid sa kanya.

“What I mean is gusto ko pong patunayan ’yung sarili ko na seryoso po ako sa trabaho ko. Na mahal ko po ang trabaho ko and I’m not here para makabuo ng ibang buhay na hindi naman talaga kasali sa akin,” giit ni Andi. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments