Derek at Cristine hiwalay na agad?!

MANILA, Philippines - Hiwalay na raw agad-agad sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Ang bilis naman kung ganun.

Pero walang gustong magsalita kahapon ng rason sa sinasabing hiwalayan nila.

Ang sabi, si Derek daw ang nakipaghiwalay kay Cristine.

Kaya ba hindi kasama ni Cristine si Derek nang pumunta ang aktres sa Dutdutan Tattoo 2013?

Beteranong bokalista ng banda, kauna-unahang voice of the PH,Ruffa, Angelica, at John Lloyd nagsama-sama

Maraming nanghinayang na natalo si Klarisse ng Team Sarah sa ginanap na final showdown ng The Voice of the Philippines last Sunday night.

Itinanghal na kauna-unahang The Voice of the Philippines ang 43 anyos na beteranong band vocalist na si Mitoy Yonting ng Team Lea matapos niyang makuha ang pinakamataas na percentage ng mga boto. “Masayang-masaya po ako. Pinagpala ako ngayong araw na ito. Maraming salamat sa Diyos at sa mga gumastos ng load nila,” ani Mitoy matapos ianunsyo ang kanyang pagkapanalo.

Nakakuha si Mitoy ng 57.65% ng pinagsamang text at online votes para talunin ang second placer na si Klarisse de Guzman ng Team Sarah (42.35%) sa kanilang huling pagtutunggali kung saan muling ibinalik sa zero ang kanilang scores.

Pahayag naman ng kanyang coach na si Lea Salonga, “Ang nanay ko, kapag nanalo ako ng something, feeling niya nanalo din siya kasi may pinaghirapan din siya. Parang may nanalo ding anak ko na may ginawa siyang maganda. That’s how it feels.”

Nagwagi si Mitoy matapos awitin ang Beatles hit na Help at ang isang nakakaaliw na performance ng Total Eclipse of the Heart kasama si coach Lea at komedyanteng si Vice Ganda. Sa Live Show naman noong Sabado (Sept 28), inawit ni Mitoy ang Anak ni Freddie Aguilar at ang kanyang original song na Bulag.

Natalo rin ni Mitoy ang iba pang final four artists na sina Janice Javier ng Team Apl at Myk Perez ng Team Bamboo, na pawang nakakuha ng 13.56% at 12.81% sa paunang botohan.

Bilang ang kauna-unahang winner ng The Voice of the Philippines, mag-uuwi si Mitoy ng P2 milyon, isang home entertainment package, isang bagong sasakyan, Asian tour package for two, at isang four-year recording contract with MCA Universal.

In fairness tinutukan ng marami ang  Sunday finale ng The Voice of the Philippines. Pero sa mga tumutok, marami talagang nanghinayang na hindi si Klarisse ang nanalo.

Balita kasing malakas ang support system ni Mitoy sa Resort World kung saan ginanap ang final showdown dahil doon siya kumakanta. Siyempre, mas madadatung sila. Eh sa isang sim card, dalawang beses ka lang puwedeng bumoto.

At ang puna ng marami talaga, totoo namang maganda ang boses ni Mitoy, pero ang style niya pang-show band talaga na nagpe-perform sa Cowboy Grill o Padis Point noong ‘80s.

Pero text at online voting ang naging basehan ng panalo eh. Malakas kasi si Mitoy. Imagine kahit mas mababa ang ibinigay ni Lea na score, mas mataas kay Rahda, malaki ang nakuha ni Mitoy kaya siya ang nakapasok sa finals.

Anyway, nagtala ang palabas ng 30.3%, base sa datos ng Kantar Media. Totoong matindi rin ang ginawang ingay nito sa social networking site na Twitter kung saan naging trending topics ito sa bansa at sa buong mundo.

Bago magwakas ang finale, inanunsyo ng host na si Toni Gonzaga at V Reporters na sina Alex Gonzaga at Robi Domingo na malapit nang ganapin ang auditions para sa ikalawang season ng The Voice of the Philippines. 
Samantala, maraming artista ang nanood sa Resorts World. Kasama sa nasa audience sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Nanood din ang mag-inang Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama. Hmmm, nagkaroon kaya ng chance na magkasalubong man lang sina Ruffa at John Lloyd?

Basement ng GMA nasunog

Habang nasa kalagitnaan ang final showdown ng The Voice.. ay pumutok sa Twitter ang balitang nasusunog ang basement 2 ng GMA 7 building. Big­lang naputol ang airing ng GMA eh ang palabas pa naman pala ay Bourne Identity ni Matt Damon.

Kasalukuyang pang inaalam kung ano ang mga naapektuhan sa naganap na sunog sa building.

“ A fire broke out last night at the substation located at the basement 2 of GMA Network Center. We are currently assessing the damage that has temporarily affected our operations. We assure our viewers and the public that measures are being taken to restore normal operations at the soonest possible time. Thank you,” sabi sa ipinadalang statement ng GMA.

Panalo ni Megan hinahabol ng US?

Ayaw talagang tantanan ang bagong Miss World na si Megan Young. Ngayon naman, balitang ang US ang nag-file ng formal protest sa Miss World organizers ayon sa report ng The Adobo Chro­nicles.

Ayon pa sa report, dapat ay credited bilang U.S. contestant si Megan dahil doon ito ipinanganak sa amang Amerikano at inang Pinay at lumipat ng bansa noong 10 years old. “Technically, she is also Miss U.S.A. Even her surname is very American. Can’t she be at least declared as a ‘dual contestant’ by virtue of her dual citizenship?” ayon sa nakuha nilang dokumento.

Kaloka naman. True kaya ito?

Nakapasok sa top 10 ang pambato ng US sa Miss World pero laglag ito sa Top 5.

Show comments