Now, more than ever, maaari nang paniwalaan na nakatakda sa pagiging beauty queen ang Kapamilya star na si Megan Young. Sa kabila ng binigyan na siya ng ABS-CBN ng kanyang launching vehicle sa TV, maituturing pa ring napakabagal ng pag-usad ng kanyang career bilang artista. Kaya nga bago siya napalaot sa beauty contest ay may balita nang katulad ng kanyang younger sister na si Lauren Young na nakatakda na sana siyang lumipat ng GMA pero bago pa naganap ay nahirang na siyang Miss World Philippines, at nung Sabado ng gabi nga ay naging kauna-unahang Pinay na tinanghal na Miss World.
Bago pa siya pumunta ng Indonesia para makipag-compete ay marami na ang naniwalang maiuuwi niya ang korona dahil hindi lamang siya maganda, kahit hindi voluptuous, ay keri magsuot ng two-piece at rumampa ng parang isang tunay na modelo. Katunayan sa pagrampa niya nakuha ang napakamalaking puntos niya sa paligsahan sa Indonesia. Nakatulong din ng malaki na Inglisera siya kaya hindi na nangapa pa sa Q&A portion ng pageant dito at maging sa Indonesia.
Maganda ’yung ginawang presentasyon ng Indonesia para sa Miss World pageant. It was more cultural than anything else. Nakita ’yung pagiging nationaÂlisÂtic ng mga Indonesian sa kanilang presentation ng isang beauty pageants na sinalihan ng 126 na bansa, pinakamarami sa ginaganap na beauty pageants. Dapat lang maging proud si Megan dahil she was well cheered. Sa lakas ng pagÂbubunyi sa kanya ng mga manonood paniniwalaan mo ang sinabi niyang halos kalahati ng tao sa kanyang bansang Pilipinas ay isinama niya sa Indonesia.
I bet isang marangal na welcome ang ibibigay sa kanya ng mga kababayan niya pag-uwi niya.
For a year, mawawala ang beauty ni Megan sa local showbiz bagama’t hindi maiiwasang angkinin siya ng mundo ng aliwan dahil talaga namang dito siya nagkapangalan. Kaya lang mas madaling lumaki ang kanyang pangalan bilang isang diyosa ng kagandahan kaysa bilang artista. Pagkatapos ng kanyang reign, she can easily go back to acting. May bentahe na siya dahil maraming beauty queens ang nag-aartista after their reign pero siya artista na bago pa siya inagaw ng mundo ng beauty contest.
Lea agaw-pansin sa The Voice
Thank science for modern technology. Nagawa kong panoorin ng halos sabay ang Miss World at ang final showdown ng The Voice of the Philippines sa tulong ng remote control. Napakahirap isipin kung paano ko ito magagawa, ang magpabalik-baÂlik ng aking kama at TV set para lang mapanood ang daÂlaÂwang palabas na hindi ko alam kung bakit kailaÂngang pagsabayin ng dalawang major networks gayong puwede naman nilang ipapanood ang mga ito nang magkaiba ng oras.
Walang itulak kabigin sa apat na grand finalists — Myk, KlaÂrisse, Janice, at Mitoy. Deserving kahit sino sa kanila ang manalo, bagama’t sa standard ng mga Pilipino na matagal nang sumusubaybay sa mga siÂnging contest, palaging angat ang marunong bumirit. Dito dehado si Myk dahil ang tatlo niyang kalaban ay bumibirit, siya hindi. Kahit marami ang pumupuna na ’yun at ’yun din ang istilo ng pagkanta na ipinakikita ni Mitoy, nagbabago ang isip nila kapag bumabanat na ito ng kanta niya. ’Yung original song na binanatan niya ay bagay at ginawa para sa boses niya. I still think na it will be a toss betÂween Mitoy and Janice. Kahit pa-immobilize ni Coach Sarah Geronimo ang fans niya for Klarisse na okay din sa akin kapag nanalo.
Ang ganda nung production number ng apat kasama ang mga coach nila — Lea Salonga, BamÂboo, apl.de.ap, at Sarah. Ang ganda rin ng forÂmer Miss Saigon star. Agaw-pansin siya sa apat na hurado siguro dahil babae siya at kumÂpara kay Sarah ay mas may naraÂting na siya. Mas angat din si Lea kay apl daÂhil ’di lang siya singer, artista rin siya. KaÂgabi pa napili ang kauna-unahang Voice of the Philippines. I just hope, marunong nang pumili ang mga texter.