Huling linggo na ngaÂyon ng teleÂseryeng Muling Buksan ang Puso na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Julia Montes, at Enchong Dee. Ayon kay Enchong, talagang pinapahalagahan niya talaga ang mga sandaling kasama niya si Julia lalo pa’t magsasara na ang kuwento ng kanilang TV project.
“Siyempre itse-cheÂrish ko ‘yung mga panahon na nakikipag-open up ako sa kanya, na she can seek advice in terms of life from me. Alam mo ‘yung nagiging confident ka sa ibang tao? It’s something na alam mong ginagawa niya ’yun kasi she looks up highly to you. Rumerespeto siya sa ’yo,†nakangiÂting pahayag ni Enchong.
Nagsisisi kaya ang aktor na naudlot ang pagmamahalan nila ni Julia noon?
“Hindi naman siguro pagsisisi ’yung term but there will always be ‘what ifs’ pero for that matter I’m happy na pinagdaanan namin ’yung pinagdaanan namin kasi alam kong makakatulong sa amin ’yun bilang artista at bilang tao so, ’yung experience na ’yun we will always cherish,†paliwanag ni Enchong.
Samantala, malaking bagay para kay Enchong na naging bahagi siya ng Muling Buksan ang Puso dahil pakiramdam niya ay naging isang ganap na aktor siya sa serye.
“Ngayon lang ako nakagawa ng teleserye na kapag umuuwi ako ng bahay ay nakakatulog ako ng nakangiti kasi alam mong magaganda ’yung eksena na nagawa ko sa buong araw. Alam kong nabigay ko ’yung hinihingi nilang eksena. So, sa tingin ko, ’yun ‘yung isa sa mga bagay na kahit pagod na pagod ka, uuwi ka na may satisfaction at fulfillment kasi umuwi kang nagawa mo ’yung trabaho mo ng maayos,†pagbabahagi ng aktor.
Anne ibang paghahanda ang ginawa sa pakikipag-reunion kay sam
Ginagawa na ngayon nina Anne Curtis at Sam Milby ang kanilang reunion movie na The Gifted. May pagka-dark comedy raw ang tema ng nasabing pelikula pero, ayon kay Anne, ay siguradong magugustuhan naman ng mga manonood.
“May slapstick comedy kasi eh. I would say ’yun ’yung very first movie ko with Ms. AiAi (delas Alas), ’yung Ang Cute ng Ina Mo. Ito (The Gifted), serious siya pero nakakatawa siya, ’yung hindi mo maintindihan kung nakakatawa siya kasi serious ’yung tao eh, pero nakakatawa kasi ’yung eksena mismo,†paglalarawan ni Anne.
Matatandaang puro heavy drama ang mga huling nagawang pelikula ng aktres kagaya ng No Other Woman at A Secret Affair kaya ibang-iba raw talaga ngayon ang ginawa niyang paghahanda para sa bagong proyekto.
“A breath of fresh air. Super basa ng script ’tapos inaaral ko. ’Tapos ’yung character kasi is medyo smart na iba. Pinag-aaralan ko talaga. I have to do my best especially with Direk Chris Martinez,†kuwento ni Anne.
Reports from JAMES C. CANTOS