Megan nabiktima ng walang magawa sa buhay

Pati raw ang kandidatura ni Megan Young sa Indonesia ay may sumasabotahe rin! Bilib din naman ako sa mga gumagawa ng ganito. Ano kayang kasiyahan ang nakukuha nila? May mga nagpapakalat ng mga sexy photos ng kandidata natin na kuha sa isang magazine na kinatatakutan ng mga nasa likod ng Miss World pageant dahil baka makasira sa tsansa niya sa korona. Sana nga ay hindi ito nakasira. Habang binabasa ninyo ito ay may naideklara nang nanalo. Nanggigil lang talaga ako sa taong walang mga magawa  kundi ang makapanira ng kap­wa.

Pari nagsermon sa pork barrel scam kahit may nakikinig na suspek

Parang foul ‘yung pagsesermon ng isang pari  habang kabilang sa mga nakikinig sa kanya ay pa­milya ng isang sangkot sa scam. Ngayon kung gina­wa niya ito nang walang pinatutungkulan in ge­ne­ral, eh hindi siguro siya masisisi dahil katungkulan din ng simbahan na makialam sa mga nagiging kaganapan sa bansa. At dapat malaman din ng mga nakikinig sa kanya na ang paggawa ng masama ay hindi maaring kunsintihin ng simbahan. Pasensiya na kung sa pagsesermon nila ay may matamaan. Bato bato  lang sa langit…

 

Show comments