MANILA, Philippines - May kasabihang mahirap daw malimutan ang first time. Ganito ang nadama ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang bumisita siya sa Naga City kamakailan para dumalo sa Peñafrancia Festival na itinuturing na isa sa pinakamalalaking relihiyosong kapistahan sa bansa.
Kaharap ang 15,000 manonood, hindi mapigilan ni Marian ang tuwa sa ipinakitang mainit na pagtanggap ng mga Bicolanong sumugod sa Plaza Quezon para lamang makita siya sa kanyang Grand Kapuso Fans’ Day noong September 22. Para sa aktres, talaga namang hindi niya malilimutan ang gabing iyon, “first time ko rito sa Naga, nung nakita ko ‘yung crowd kanina, naisip ko agad, unexpected ito.â€
Sadyang hindi inasahan ni Marian ang dami ng taong nagpunta sa nasabing event, “punung-puno ang venue, sabi ko, aaaw, to think na may kasabay tayo sa kabila,†pagtukoy niya sa kasabayang event naman ng rival network sa ibang bahagi ng siyudad kung saan limang mga artista ang tampok.
Sa gitna ng pabagu-bagong panahon, walang tinag ang avid supporters ni Marian sa Plaza Quezon, na tinatayang pinakamalaking bilang ng mga manonood sa Naga na naitala ng isang open venue na Kapuso event, na sa rami nga ay nasakop pa ang kaÂtabing Rizal Park. Wala namang nagawa ang event organizers kundi isara ang ibang bahagi ng General Luna at Elias Angeles Streets dahil sa vehicular traffic dulot ng libu-libong manonood.
“Umuulan na pero nandiyan pa rin sila,†pagbabahagi ni Marian na naantig sa kanyang nasaksihan. “As of parang four or five in the afternoon nandoon na sila e ano’ng oras ako lumabas, 8:00 pm? Imagine three hours na umulan ma’t gumabi, nandun sila, so ‘yun pa lang thankful na ako,†dagdag pa niya.
Nitong mga nakaraang buwan ay umiikot si Marian sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para makita ang kanyang fans at mapasalamatan ang mga ito. Kasama sina Bettina Carlos ng My Husband’s Lover at ang TV host-comedian na si Boobay. “Nakakatuwa ang fiesta rito, ‘yung pinakita nila, para sa amin, bilang artista, blessed ka pag may mga ganito kasi hindi lang more on acting, pag lumalabas ka, nagpe-perform ka, tapos nakikita mo ‘yung crowd, ‘yun ang bonus na feeling sa artista e, parang wow, love nila ako.â€
Kabilang din sa week-long celebration ng Peñafrancia Festival ang cast ng pinakabagong GMA inspirational drama series na Prinsesa ng Buhay Ko sa pangunguna nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, kasama ang kanilang co-stars na sina LJ Reyes, Lian Paz, at newest Kapuso Renz Fernandez. Dumalo sila sa Peñafrancia Festival Civic Parade at dumiretso sa isang Kapuso Barangayan kasama si Mike “Pekto†Nacua bilang host noong September 19 sa Pili Sports Complex.
Ang highlights naman ng pakikiisa ng GMA Peñafrancia Festival ay mapapanood sa Let’s Fiesta TV Special sa darating na September 29 sa pamamagitan ng GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO.