Julia takot magmukhang ate ni Daniel!
Tama ’yung sinabi ng isang reyna ng pelikula na si Susan Roces tungkol kay Julia Montes. Sinabi niyang mas gagaling na artista pa ito. Hindi nakukuntento sa mga eksena niya ang batang aktres. Kapag may nagawa siyang eksena na feeling niya ay hindi maganda, nagpapa-take two siya sa kanyang direktor na hindi naman tumatanggi dahil pareho naman sila ng artista niya ng layunin na makagawa ng isang magandang palabas.
Dalawang beses nang nagkakasama sa isang teÂleserye sina Susan at Julia at kung noon sa Walang Hanggan ay nagalingan na siya at nakita ang effort ng dalaga na maging magaling, lalo ngaÂyon dito sa Muling Buksan ang Puso, na mas maÂraÂming beses itong nakukulangan sa pag-arte niya kaya madalas makiusap sa direktor na ulitin niya ang mga eksena niya.
Pero nung una lamang ito, ngaÂyong nasa mga huling bahagi na niya ang serye ay nabawasan na rin ng husto ang pag-uulit ni Julia ng kanyang mga eksena.
PuÂwera na lang marahil kung kumukuha ng iba-ibang anggulo ang direktor pero kapag hindi, take one na lang si Julia.
“Kailangan ko talagang maramdaman ang ekÂsena. ’Pag hindi ipinauulit ko talaga. Lalo na pag may kasama akong magaling at beteranong artista, kinaÂkabahan ako. Minsan, hindi ko naibibigay agad ang hinihingi ng direktor,†paliwanag ng batang artista na komportableng-komportable sa pakikipagtambal niya kina Enrique Gil at Enchong Dee, lalo na sa huli na nawala na completely ang ilangan nila dahil sa pagkakaro’n nila ng isyu nun.
When asked kung papayag siyang makatambal ang reel and real sweetheart, Daniel Padilla, ng best friend forever niyang si Kathryn Bernardo, sinabi niyang “Depende sa role. Pero pag-iisipan ko pang mabuti kasi baka magmukha lang akong ate niya,†paliwanag niya.
Magwawakas na ang Muling Buksan ang Puso sa Oct. 4 na fulfilled ang lahat na nakagawa sila ng palabas na hindi lang nagpapakilig kundi nagbukas pa ng puso ng mga manonood ng TV sa isang kuwento tungkol sa pinagdadaanan ng isang pamilyang Pilipino.
Bago ang pagsasara ng serye, magkakaroon ng isang mini-concert sina Julia, Enrique, at Enchong. Magaganap ito mamayang 5:00 p.m. sa SM Fairview Annex. Kasabay nito ang launching ng album nila. Sasamahan sila nina Erik Santos, Jed Madela, at Angeline Quinto.
Enchong magpapahinga muna sa China
Pagkatapos na pagkatapos ng Muling Buksan ang Puso ay hihingi ng anim na araw na bakasyon sa ABS-CBN si Enchong Dee. Aalis sila ng pamilya niya at pupunta ng Beijing, China at Mongolia. Talagang magpapahinga siya at magsasaya naman dahil nawalan siya ng pahinga sa magkasunod na naging trabaho niya sa Ina Kapatid Anak at Muling Buksan ang Puso. Pagbalik niya ay may gagawin siyang movie para sa Star Cinema at Skylight Productions. Pagkatapos nito ay baka magsimula siya ng isang panibagong serye.
Happy si Enchong na sa muli nilang pagtatambal ni Julia ay wala na ni munti mang bakas kung anuman ang pinagdaanan nila.
“Mas komportable na siya sa akin ngayon. Nag-o-open up na siya ng problema niya,†sabi niya.
Hindi na rin siya intimidated sa mga beteranong artista na nakakasama niya ngayon.
“Nung una, oo. Pero I make it a point na sa akin manggaling ang pagbi-break ng ice. Kinakausap ko sila at talagang dumarating ako sa set na alam ko na ang trabaho ko. ’Yun, hindi ako sumasablay. Sa pitong taon ko na nag-aartista, gusto kong makagawa ng marka bilang isang artista na kahit hindi masabing magaling na aktor ay marunong namang umarte.
“Okay na sa akin ’yun. I’m not here for the money o para magkaroon ng maraming fans. Nandito ako for the craft,†paliwanag ng aktor na lubos ang paÂsasalamat sa manonood dahil pinupuri ang kanyang pagganap sa itinuturing niyang “most challenging role.â€
Sharon pinagmumukhang mahirap si Sen. Kiko
Sa kagustuhan ni Sharon Cuneta na malinis ang pangalan ng asawa niyang si Sen. Kiko PangiÂlinan at maipagtanggol ito sa mga nagpaparatang sa kanya na sinasabi niyang pawang hindi totoo ay para namang lalo niyang ipinahahamak ito at pinagmimistulang maliit sa paningin ng tao bilang asawa at pulitiko.
Sa galing ng asawang abogado, kayang-kaya nitong ipagtanggol ang kanyang sarili at patunayan ang kanyang pagiging matuwid sa kanyang trabaho pero heto si misis at inaako ang pagtatanggol sa kanya, sa pag-amin niya na pera niya ang ipinambili ng ilang bahay na nasa pag-aari nila at ng properties nila pero sinasabi naman niyang “Hindi ko ito ipinagmamayabang. Gusto ko lang malaman ng lahat na hindi kami biglang yaman nang maging senador ang asawa ko.â€
Meryll susubukang mag-Elevator Girl
Mapapa-â€thank you, Ma’am, Sir†ang fans ng YouTube sensation na si Cherry Alejandrino, na mas kilala ngayon bilang si Elevator Girl dahil tampok ang life story nito sa Maalaala Mo Kaya mamayang gabi. Ang award-winning actress na si Meryll Soriano ang gaganap bilang si Cherry.
Ano ang kuwento sa likod ng pagiging magiliw, masipag, at napakamasayahing elevator attendant ni Cherry?
Bahagi rin ng Elevator Girl story sina Eric FrucÂtuoÂso, Boboy Garovillo, Susan Africa, Dang Cruz, Jennifer Lee, Perla Bautista, at Marikit Morales. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Don CuaÂresma.
- Latest