^

PSN Showbiz

Mga pulitiko nasisilaw sa pork barrel!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatalakayin ng The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado (Setyembre 28) ang matinding epekto sa sistema ng pulitika sa Pilipinas ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.

Sa pagpapatuloy ng The Pork Barrel Interviews special, ma­kakaharap ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ang Bayan Muna Representative na si Neri Colmenares upang ipaliwanag ang mga isyu sa likod ng P10-billion pork barrel scam na diumano’y pinangunahan ni Janet Lim-Napoles. Sino ang mga dapat managot sa isa sa pinakakontrobersiyal na kaso ng korapsyon sa bansa?

Totoo ba na PDAF ang tunay na habol ng mga pulitiko sa kanilang pagpasok sa gobyerno? Sa palagay ni Rep. Colmenares, posible bang makulong ang mga senador at kongresista na sangkot sa mga ilegal na transaksiyon at paggamit ng pera ng taong bayan?

Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang ikatlong linggo ng The Pork Barrel Interviews special ng 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado, pagkatapos ng Banana Split.  

 

AWARDS BEST PUBLIC AFFAIRS TALK SHOW

BANANA SPLIT

BAYAN MUNA REPRESENTATIVE

BOTTOMLINE WITH BOY ABUNDA

BOY ABUNDA

JANET LIM-NAPOLES

KING OF TALK

NERI COLMENARES

PORK BARREL INTERVIEWS

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with