^

PSN Showbiz

Magulang ng batang ibinenta nasa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para sa isang ina, walang papantay sa halaga ng isang anak—lalo na kung ito ay nag-iisa, at matagal hinintay.

Ito ang kuwento ni We­nifer at Lovelio Mendoza, mga magulang na nagulo ang buhay nang isang araw ay bigla na lang nawala ang kanilang unico hijo: si Buboy Liit.

Sa kanilang paghaha­nap sa kanilang anak, kanila ring mauungkat ang kani-kanilang mga pag­hihirap at hinagpis... ang kanilang mga problema sa isa’t isa. At sa patuloy na pagsubok ng tadhana sa kanila, magiging matatag pa ba ang kanilang pagsasama?

Ano na lang ang gagawin nila sakaling wala nang anak na maibalik sa kanila? Sakaling matulad na ito sa mga batang nababalitang hina-harvest para sa mga bumibili ng internal organs?

Alamin ang kahihinatnan ng kanilang kuwento, Child for Sale : The Buboy Liit Story, ngayong Sabado ng gabi sa Magpakailanman; featuring Camille Prats and Yul Servo bilang mga magulang ni Buboy Liit.

Magpakailanman airs every Saturday, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

 

ALAMIN

ANO

BUBOY LIIT

BUBOY LIIT STORY

CAMILLE PRATS AND YUL SERVO

DADDY KO

KANILANG

LOVELIO MENDOZA

MAGPAKAILANMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with