Raymart back to work na, haharapin na ang pagiging buhay binata

PIK: Kakaibang treat ni Regine Velasquez ang mapapanood ng followers niya sa Sarap Diva bukas ng umaga dahil kasama niya si Lani Misalucha at nagtsikahan sila sa ilang kainan sa Maginhawa St., Sikatuna Village, sa Quezon City.

Ang isa pang magandang panoorin ay ang mga ibinahagi ni Lani sa mga pinagdaanan niya sa Las Vegas, Nevada bago siya nakilala roon bilang isa sa mga pinakamagaling na performer sa The Strip.

PAK: Nagpa-pictorial si Lian Paz ng hubad para sa November issue ng Playboy magazine.

Bago pala niya ginawa iyon ay ipinaalam pa niya kay Paolo Contis pero ayaw nang magkomento ni Paolo tungkol doon.

Ang sabi lang ng aktor, ang komunikasyon nila ni Lian ay tungkol lang sa kanilang anak, at ang iba ay hindi na niya saklaw.

Aware raw siya kung sino ang karelasyon ngayon ni Lian at bilang respeto rin sa lalaking iyon, hindi na pinapakialaman ni Paolo ang anumang ginagawa ng dating asawa.

BOOM: Tumatanggi nang magsalita si Raymart Santiago tungkol sa isinumite nitong affidavit na kung saan may mga matitindi itong rebelasyon laban kay Claudine Barretto.

Emotional ang aktor kapag napapag-usapan ito dahil ina naman ito ng kanyang dalawang anak.

Pero kailangan niyang ipagtanggol ang sarili, kaya inilabas na ang mga nangyari sa kanilang pagsasama at ang mga ginagawa ni Claudine.

Dumalo si Raymart sa story conference ng bagong programa niya sa GMA 7 na Villa Quintana pero iniiwasan na niyang pag-usapan ang tungkol sa kaso.

Mas mabuting harapin na niya ang bagong challenge sa buhay bilang single.

 

Show comments