Poor Nora Aunor! Dahil lang natalo sa pagka-best actress sa CineFilipino ay kung anu-ano ng panlalait ang inaabot sa mga tao in general at maski na sa mga non-Noranian press in particular. Eh, hindi naman siguro siya nagkulang sa kanyang perfomance sa pelikula ni Mes de Guzman na Ang Kuwento ni Mabuti, pero hindi lang siya sinuwerte dahil mas pinaboran ng hurado ang acting ng isang baguhang batang babae na gumanap ng bida sa kauna-unahang pagkakataon sa Ang Huling Cha Cha ni Anita.
Ano ba naman kayo? Bakit ba masaya kayo na may nalulungkot na ibang tao? I’m sure hindi man iniyakan ni Nora ang kanyang pagkatalo, still may naramdaman naman siÂguro siyang lungkot sa nangyari. Pinupuri ko na lang na nagpakatatag siya sa kanyang loss and was more than generous sa kanyang papuri sa tumalo sa kanya. Di ba yun ang pinakamataas na papuri na makukuha? At kung siya natanggap ‘yun, bakit hindi ang ibang mga Noranians?
Commercial ng Mcdo, ang lakas ng dating
Umaagaw ng pansin ngayon ‘yung TV commercial ng McDonald’s na tampok si Marita Zobel kasama ang isang bata na gumaganap ng role ng apo niya sa TVC na sa aking palagay ay apo niya in real life dahil kamukha niya. Bukod sa maganda ang pagkakagawa ay very refreshing ang concept at walang nakapanood ng video ang hindi nacute-an sa little girl.
Bago ang video na ito ay ang video naman ni Jessy Mendiola para sa spicy chicken na para rin sa naturang fast food chain. Napakaganda at napaka-sexy ni Jessy sa nasabing TVC at napakagandang promo para sa kanyang bagong teleseryeng Maria Mercedes.