Rayver pang-gay bar ang gimik sa cosmo!
SEEN: Pang-gay bar ang cheap act ni Rayver Cruz sa Cosmopolitan Bachelor Bash 2013 noong Martes. Ipinakain ni Rayver sa isang babae ang saging na binaÂlatan niya at inilagay sa harap ng maselang bahagi ng kanyang katawan.
SCENE: Parehong rumampa sa Cosmopolitan Bachelor Bash ang magkapatid na Aljur at Vin Abrenica. Mas physically fit at mas makinis ang balat ni Vin kesa kay Aljur na maraming marka ng pimples ang likod.
SEEN: Wala nang gaanong reaksiyon ang audience sa pagrampa nina Jon Hall, Luke Jickain, at ng twin brothers na sina David at Anthony Semerad dahil mga daddy looking na sila.
SCENE: Ang maagap na pagsagot at mahabang litanya ni Sharon Cuneta sa Twitter dahil sa pagkakadamay ng pangalan ng kanyang asawa, si former Senator Francis Pangilinan, sa privilege speech kahapon ni Senator Jinggoy Estrada.
Pinabulaanan ni Sharon Cuneta ang bahagi ng speech ni Senator Jinggoy tungkol sa pork barrel ni Kiko noong senador pa ito:
“HUH? WHAT? WHEN? WHERE?!!! Hahahahahahaha if it weren’t so hurtful it would be so funny!!! Hala MAGKALABASAN NA TALAGA DAPAT PARA MAGKAALAMAN NA KUNG SINONG IILAN LANG SA SENADO ANG MATITINO!
“If anyone reading this can prove to me that my husband has stolen any amount from his PDAF in his 12 years as senator, I will give you P10 million in cash and I will leave my husband. That is how confident I am.
“Sorry, HINDI KAMI MAGNANAKAW. HINDI KAMI TULAD NG IBA NA KAYA IPAKAIN SA MGA ANAK NAMIN ANG PERANG DI AMIN O DI NAMIN PINAGHIRAPAN. HINDI PARE-PAREHO ANG LAHAT NG POLITIKO. DAHAN-DAHAN LANG. DAPAT MAG-UMPISA NANG MAGLABASAN ANG TOTOO NGAYON.
“It is not as hard as people may think. Kung nakukulangan sila sa ilang papeles o anuman -- isa-isahin niyo ang pinagbigyan ni Kiko ng PDAF niya. Ask the Baranggay Captains (puwera ako kahit na ako si Madam Chairman! Hahaha) and kung sino-sino pa ang nabigyan.
“At nang makita ng lahat na walang BOGUS na organisasyon o foundation o sinuman, anuman na napuntahan ang pera kundi mga tunay na govt organizations, legitimate organizations. Ganon lang naman yon.
“NOW, I HAVE SAID ALL I HAVE TO SAY ABOUT THIS. KAHIT TANUNGIN AKO NASAGOT KO NA DITO, SO AYOKO NA MAGSALITA TUNGKOL DITO AFTER THIS. MAG-INGAT TAYONG LAHAT SA PAGSALI SA MALINIS NA PANGALAN NG IBA PARA MALIHIS SA TOTOONG ISSUE!
“Thanks for reading this. I’m working now even if I have been wanting to go into semi-retirement na, because my husband has only his law firm and his farm & his shares in some restaurants that our friends are experts at running to derive income from, and I have lots of utang to pay for.
“With all due respect to Kiko, kaya ako nakakapag-tweet na akin ang bahay na yan, na ito, na yon, ay di para magyabang kundi para masagot ang ilang malisyosong tanong, at nang malaman ng tao na sa hirap at dugo’t pawis ko nanggaling -- HINDI DAHIL himalang YUMAMAN kami nung naging senador ang asawa ko. Ayan. Kasi di kami nagnakaw eh! E di sana may bahay na rin ako sa New York at Paris! Tsk tsk tsk... THE END!â€