Cesar tuloy ang sustento kay Sunshine
PIK: Malaki ang pasasalamat ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7 dahil buo ang suporta sa kanya sa gitna ng mga pinagdadaanan niya ngayon.
Sinorpresa ito ng ilang GMA executives nung nakaraang Linggo kaya tuwang-tuwa ito.
In-assure pa rin naman ng GMA 7 na tuloy pa rin ang Kap’s Amazing Stories dahil patuloy pa rin itong tumataas ang rating.
Kagabi ay sinorpresa rin si Sen. Bong ng mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz at pulitika, at ang buong pamilyang nakasuporta sa kanya.
PAK : Hinatid pala ni Kylie Padilla si Aljur Abrenica sa World Trade Center na kung saan ginanap ang Cosmo Bachelor Bash kamakalawa ng gabi.
Natuwa naman si Aljur kay Kylie dahil hinatid niya ito para magbigay lang ng inspirasyon.
Alam daw niyang hindi manonood si Kylie dahil sinabi niyang ayaw na niyang manood ng mga rumarampang lalaking nakahubad, at na-appreciate raw ito ng hunk actor.
BOOM: Mapapanood sa Startalk sa Sabado ang exclusive interview ni Kuya Ricky Lo kay Cesar Montano na kung saan meron din siyang buwelta sa mga sinabi ni Sunshine Cruz sa The Buzz nung nakaraang Linggo.
Nilinaw ni Cesar sa interbyung iyun na kaya siya magsasalita hindi para siraan si Sunshine.
Never daw siyang magsalita nang ikasisira ng ina ng kanyang mga anak.
Nilinaw lang ni Cesar na kahit hiwalay na sila ni Sunshine, hindi siya nagpapabaya sa lahat na responsibilidad.
Ipinakita nito ang mga resibong siya ang nagbabayad ng bahay na tinitirhan ngayon ni Sunshine at ang tuition fees ng kanilang mga anak.
- Latest