Ika-47th birthday ngayon (Sept. 25) ni Sen. Bong Revilla, Jr. Unlike his past birthdays, kakaibang birthday celeÂbration ang magaganap dahil nakatakda siyang magbigay ng privilege speech sa Senado ngaÂyong araw na ito along with his co-senaÂtor and close buddy Sen. Jinggoy Estrada na may kiÂnalaman sa pagkakadawit ng kanilang pangalan sa tinaguriang pork barrel scam.
Matindi ang pinagdadaanan ngaÂyon ng magkaÂibigan na umaÂasa na sana’y parehong malinis ang kanilang mga pangalan. Humihingi sina Sen. Bong at Sen. Jinggoy ng pang-unawa na huwag silang agad husgahan dahil sa pagkakadawit ng kaÂnilang mga pangalan.
Isa kami sa nakikiisa at nananalangin na sana’y malagpasan nila ang matinding pagsubok na kanilang kinakaharap ngayon.
Isabelle suportado ni Gloria Diaz sa univers
Late nang nakapagsimula last Friday (Sept. 20) afternoon ang launch ng Bench para kay Isabelle Daza bilang piÂnaÂkabagong karagdagan sa malaking paÂmilya ng number one clothing line ng bansa. Apparently, inantabayanan ang pagdating ng mommy ni Isabelle, ang dating Miss Universe turned actress na si Gloria Diaz na patapos na ang launch nang ito’y makaraÂting. Ganun man, tuwang-tuwa si Isabelle sa pagdalo ng kanyang ina at malaking break na ibinigay sa kanya ng Bench big boss na si Ben Chan.
Patapos na ang launch nang makaÂrating si Gloria sa Activity Center ng Trinoma sa Quezon City kaya isinama siya ni Mr. Chan sa pag-akyat ng stage para iabot kay Isabelle ang arm bouquet of flowers.
Univers (without e) designed by IsaÂbelle Daza for Bench ang pinaÂkaÂbagong scents (for men and women) na mabibili na sa lahat ng Bench stores. Ito ang nagsisilbi ring tribute ng Bench sa kauna-unahang Filipina Miss Universe at ina ni Isabelle na si Gloria.
Angel mahusay magdala ng sarili
Alam mo, Salve A., isa kami sa humahanga sa model turned award-winning actress na si Angel Aquino dahil hindi nagbabago ang kanyang mukha at katawan through the years. Sa totoo lang, napaÂkagaling magdala ni Angel sa kanyang sarili. She became a young mom of two girls at a young age, iniwan ng kanyang asawa, has had seÂveral failed relationships but maintained her positive outlook sa buhay. Katunayan, parang younger sisters lamang niya ang kanyang dalawang anak na babae when they are together.