Mga kaso nina Claudine at Raymart wala nang katapusan!

Kailan naman kaya titigil si Claudine Barretto ng pag-iisip ng kung anu-anong isyu o bintang laban kay Raymart Santiago? Sa rami ng ikinakaso niya sa dating asawa ay ’di tuloy sila magkatapos.

It’s best na tapusin na nila ang kaso nila para makapagsimula na sila ng buhay, kahit magkahiwalay. Huwag lang silang mag-away. Kahit ’di na sila magpansinan. Kawawa naman ang mga anak nila.

Sen. Bong at Sen. Jinggoy may karapatang madinig

Hindi komo naman nasangkot ang mga pangalan ng dalawang aktor na lingkod ba­yan din ngayon na sina Senators Bong Revilla, Jr. and Jinggoy Estrada sa pork barrel scam ay guilty na sila.

Hangga’t hindi pa sila nalilitis ay wala tayong karapatan na husgahan sila. Paba­yaan muna nating ipagtanggol nila ang kanilang mga sarili at kapag natapos na ang lahat ay doon tayo magbigay ng ating opinyon at konklusyon.

Lahat naman ay may karapatan sa isang paglilitis. Pero sana maging matimbang para sa mga ina­akusahan ang magiging kaganapan tungkol dito.

Mga natira sa The Voice… pinipintasan pa rin kahit magagaling na

Talagang wala akong masabi sa mga manonood ng TV. Magagaling na ang napiling apat na grand finalist para sa The Voice of the Philippines ay marami pa rin silang sinasabing hindi maganda. Eh hati naman silang manonood at mga judges sa pagboto. Feeling ko nga kahit mapili na ng mga mahihilig mag-text ang winner para sa nasabing singing contest na 100% ay sila ang pipili sa finals ay hindi pa rin  sila lahat papabor. Meron at meron silang sasabihing hindi maganda. And yet sa lahat ng pakontes na text votes ang humusga, meron bang hindi rin sila pinintasan? Kaya  sinuman ang manalo sa TVOTP, tanggapin na lang natin ng buong puso, tutal napanood naman natin kung paano sila pinili at kung gaano sila kagagaling.

Show comments