Sa Oct. 12 ang target release ng album nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez under GMA Records. Petsa rin ito ng MHL: One More Try Concert sa Smart Araneta Coliseum. All-OPM album ito na ikatuÂtuwa ni Ogie Alcasid.
Ipinoste ni Dennis ang recording niya ng mga kantang Stay na unang kinanta ni Ric Segreto at It’s Over Now na original ni Joey Albert. Nag-record na rin si Tom ng Photograph na original ni Ariel Rivera. Wala pang update kung ni-record na nito ang Hey It’s Me na original ni Jamie Rivera.
Samantala, binanggit ni Carla Abellana sa Sunday All Stars ang guests sa concert at parang hindi naÂbanggit sina Jose Manalo at Wally Bayola na oriÂginally kasama sa guests. Akala namin si Wally lang ang napalitan o baka naman naÂkalimutan lang banggitin ng aktres si Jose.
Ang narinig naming guests sa concert ay sina Joey de Leon, JoÂalyn Viray, Gloc-9, Aicelle SanÂtos, at Kyla. Baka maÂdagdagan pa ito sa gabi ng concert.
Samantala, rarampa sa CosÂmo Bachelor Bash tonight sa World Trade Center sina Dennis at Tom. Sabi ni Dennis, abangan ang suot niya at ang gagawin sa stage.
Kris na-appreciate ang effort ni apl.de.ap sa masamang panahon
Nabasa namin sa Instagram ang post ni Kris Aquino na hindi natuloy ang TV backpack niya para sa Kris RealiTV dahil sa walang tigil na ulan kaÂhapon. Sabi ng TV host-actress, si apl.de.ap pa ang gumawa ng buong itinerary nila na kanyang na-appreciate kaya kahit maaga ang shoot ay ’di siya makapagreklamo.
Pero dahil sa bad weather, hindi sila natuloy, kaya sa bahay na lang siya at nakipag-bonding kina Joshua Aquino at Bimby Yap, Jr. Mabuti na lang at ang ibang schedule ni Kris for the backpack this week ay sa Pasig City at Quezon City lang.
Naintriga kami sa schedule na TV commercial shoot ni Kris this week din para sa isang big, big company na bawal pang sabihin. Dagdag na celebrity endorser kaya siya o siya ang papalit sa endorser ng company ngayon?
Kris nawawalan ng love life tuwing may show
Nakita namin si Carl Guevarra sa joint birthday party nina Dondon Sermino at Jun Nardo kasama ang ibang PPL taÂlents. Hindi ito lumapit sa press at nakalimutan naming pagreakin sa pagÂdi-deny ni Kris Bernal sa relasÂyon nila dahil sa Prinsesa ng Buhay Ko nila ni Aljur Abrenica.
Sabi ng isang reporter na nakausap ni Carl, tumawa lang ito nang tanungin sa tila biglang nawalang sweetness ni Kris sa kanya dahil sa soap nila ni Aljur Abrenica. Si Kris kasi nalo-lost ang love life ’pag may show. Hahaha!
Hindi pa rin yata alam ni Kris na kahit wala silang relasyon ni Aljur in real life, gusto ng viewers ang love team nila. Heto nga at inaabangan sila sa Prinsesa ng Buhay Ko bilang sina Nick at Princess, respectively.
At least si Aljur, very open sa relasyon nila ni Kylie Padilla, kaya walang maireklamo sa kanya ang aktres.
Sid dadaanin sa makeup magmukha lang payat
Natuloy din si Sid Lucero sa Katipunan, ang historical docu-drama ng GMA News TV dahil kasama sila sa cast na nag-pictorial. Sa presscon ng Magkano Ba ang Pag-ibig? hindi pa ito sure dahil mataba pa raw ang face niya. Payat nga naman si Andres Bonifacio na kanyang gagampanan. Pero magagawan naman ng paraan through makeup para magmukha siyang payat.
Ang Katipunan ay eight-part docu-drama tungkol kina Bonifacio at Emilio Aguinaldo at ang Philippine Revolution. Ito rin ang magko-commemorate sa 150th anniversary ng birth ni Bonifacio this year.
Matapang ang Katipunan dahil ipapakita ang totoong nangyari kina Bonifacio at Aguinaldo na hindi nabasa sa mga libro. Ipapakita ang kahinaan ng daÂlawa at may mga interview sa mga nakakaalam ng tunay na nangyari. Sa Oct. 12 ang primer episode ng Katipunan at Oct. 19 ang pilot episode.