Hindi pa siguro nakatakda si Alden Richards na makapareha agad si Marian Rivera. It would have pushed his career that far kung natuloy sila sa Magkano Ba ang Pag-ibig? na ngayon ay tinatampukan ni Heart Evangelista kapareha sina Dominic Rocco at Sid Lucero. Pero bukod sa napalitan ang titulo ng proyekto at maging ang mga lalabas dito kung kaya masasabi na hindi pa nakatakda si Alden na makapareha ang isang malaking artistang babae ng network.
Makuntento na muna siya sa kaedad niyang sina Louise de los Reyes at Lauren Young. Sa ngayon hindi pa niya maaabot ang Reyna ng Primetime ng Kapuso Network na nasuwertehang makapareha ng isa ring baguhan at nagsisimula pa lamang na magkapangalan na si Edward Mendez sa isang co-production venture nina AiAi delas Alas at Marian Rivera with Star Cinema and two more producers.
Voice finalists may kalalagyan na
Masyadong emotional para sa akin ang semi-finals ng The Voice of the Philippines na puwede nang sabihin na pinaka-sinusubaybayang singing contest ngayon. In fairness sa akin, napili ko na ang apat na grand finalists even before pa mai-announce ang pangalan nila. Bagama’t mas nagagalingan ako kay Paolo kaysa kay Myk ng Team Kawayan, hindi ko naman itinatanggi na mas maganda ang naging performance ni Myk nung Sabado. Mas maganda rin ang naging performance ni Mitoy kaysa kay Radha kahit pa sumalto si Mitoy sa unang birada ng kanta niya pero may mga nakalimutang lyrics din si Radha ng Let It Be pero agad naman niyang nabawi.
Lahat ng grand finalists, Janice, Klarisse, at Myk ay pinili ng coaches nila at binigyan ng mas mataas na score matangi kay Mitoy na 45% lang ang ibinigay ni Coach Lea Salonga kumpara sa 55% ni Radha. Kung ang pagbabasehan ay ang naging performance ng apat na grand finalists, si Janice na sa opinyon ko ang kauna-unahang Voice of the Philippines winner. Malinis siyang kumanta at mabilis mag-shift ng notes. Baka ngayon na ang panahon para makilala siya at sumikat dito sa Pilipinas. Sa Thailand kasi ay isa siyang kilalang singer.
Sayang at mga excerpt lang ng mga kanta ang binabanatan nila at hindi ang buong kanta. Pero maÂgaganda ang mga kantang napili ng 6 semi-finalists. Sana sinabihan din ni Coach Bamboo ang mga proÂtégé niya na ang singing contest sa Pilipinas ay kumukuha ng malaking puntos sa pagbirit. Kaya dapat ang piliing kanta ni Myk sa grand finals ay ’yung pang-contest at hindi ’yung stage performance lang.
Sayang si Radha at si Morissette din. ’Di lang sila magagaling na singers, puwede rin silang artista. Sana mabigyan sila ng break ng ABS-CBN para maging makahulugan ang comeback ni Radha at ang pagsisimula ni Morissette. Si Paolo rin, he can be a heartthrob. Si Thor can always go back to what he has been doing. May bentahe na siya ngayon dahil hindi na lang siya isang boses, nagkapangalan at mukha na rin siya.