Marami ang nag-react sa mga sinabi ko sa Startalk noong Sabado tungkol sa mga kadramahan ng isang nalaos na bold star na kahit banggitin ko ang name, hindi na sisikat pa dahil inabuso niya ang suwerte na ibinigay sa kanya.
Totoo naman ang sinabi ko, bumalik siya sa kanyang pinanggalingan para mabayaran niya ang GMA 7 na nanalo sa kanilang breach of contract case. Siya na nga ang lumabag sa kontrata, siya pa ang may gana na magtaray sa network na umaruga sa kanya? Ano siya, sinusuwerte?
Tigilan niya ang pralala na milyones ang inakyat niya sa GMA 7 dahil milyones din ang talent fees na kanyang natanggap ’no?!
Wala nang maniniwala sa mga sinasabi ng has been bold star dahil wasak na wasak at hindi lang basta sira ang kanyang kredibilidad. Buking na ang kanyang mga drama.
’Tapos sasabihin niya na joke lamang ang kanyang sinabi na i-charge kay Sen. Bong Revilla, Jr. ang P1.5 million na iniutos ng korte na ibayad niya sa GMA 7? Kung nagagawa niya na lokohin ang kanyang sarili, huwag ang publiko na sukang-suka na sa mga kaeklayan niya. Hindi na niya puwedeng huthutan ang pamilya ni Bong ’no?!
65th Emmy awards pinanood ng mga tinamad lumabas ng bahay
Overacting na naman ang malakas na buhos ng ulan kahapon. Maagap ang mga public official dahil nagdeklara agad sila na walang pasok kahapon sa lahat ng school levels.
At dahil nakakatamad lumabas ng bahay, ang panonood ng 65th Emmy Awards ang pinagkaabalahan ng mga Pinoy. Para sa mga hindi nakapanood, heto ang kumpletong listahan ng mga winner:
Best Drama: Breaking Bad
Best Comedy: Modern Family
Best Miniseries or Movie: Behind the Candelabra
Best Reality-Competition Program: The Voice
Best Variety Series: The Colbert Report
Best Reality Program: Undercover Boss
Best Animated Program: South Park
Lead Actress, Drama: Claire Danes, Homeland
Lead Actor, Drama: Jeff Daniels, The Newsroom
Supporting Actor, Drama: Bobby Cannavale, Boardwalk Empire
Supporting Actress, Drama: Anna Gunn, Breaking Bad
Lead Actor, Comedy: Jim Parsons, The Big Bang Theory
Lead Actress, Comedy: Julia Louis-Dreyfus, Veep
Supporting Actor, Comedy: Tony Hale, Veep
Supporting Actress, Comedy: Merritt Wever, Nurse Jackie
Guest Actress, Comedy: Melissa Leo, Louie
Guest Actor, Comedy: Bob Newhart, The Big Bang Theory
Guest Actress, Drama: Carrie Preston, The Good Wife
Guest Actor, Drama: Dan Bucatinsky, Scandal
Directing, Comedy: Gail Mancuso, Modern Family
Directing, Drama: David Fincher, House of Cards
Directing, Variety Series: Don Roy King, Saturday Night Live
Director, Miniseries or Movie: Steven Soderbergh, Behind the Candelabra
Choreography: Derek Hough, Dancing With the Stars
Lead Actress, Miniseries or Movie: Laura Linney, The Big C: Hereafter
Lead Actor, Miniseries or Movie: Michael Douglas, Behind the Candelabra
Supporting Actress, Miniseries or Movie: Ellen Burstyn, Political Animals
Supporting Actor, Miniseries or Movie: James Cromwell, American Horror Story: Asylum
Voice-Over Performance: Lily Tomlin, An ApoÂlogy to Elephants
Host for Reality or Reality-Competition Program: Heidi Klum and Tim Gunn, Project Runway
Writing, Comedy: Tina Fey and Tracey Wigfield, 30 Rock
Writing, Drama: Henry Bromell, Homeland
Writing, Variety Series: The Colbert Report
Writing, Miniseries or Movie: Abi Morgan, The Hour