Masayang-masaya si Sarah Geronimo para sa kanyang panganay na kapatid na malapit na raw magtapos ng pag-aaral sa Paris, France. Sa kasalukuyan ay nasa on-the-job training na ito kaya excited na ang buong pamilya ng singer.
“Magbubunga na lahat ng paghihirap niya. Siyempre ’yun naman ang pangarap ng bawat pamilya na kapag umangat ang isa, magiging proud ang lahat, maÂgiÂging masaya ang lahat kasi kung ano ’yung success ng isa, success ng buong pamilya,†nakangiting bungad ni Sarah.
Gustung-gusto rin ng Pop Princess na maÂkapag-aral sa ibang bansa kung mabibigyan siya ng pagkakataon.
“Gusto ko. Gustung-gusto ko. Sana kung pahihintulutan ako ng schedule ko na, you know, to take a break. Hindi ko alam kung months ba ’yan or taon. Hindi ko alam. Kung taon man, kung me babalikan pa ako, so, wine-weigh pa ng mabuti. Pinag-iisipan pa kung ano ’yung magiging desisÂyon po pero talagang pangarap kong mag-aral abroad,†pagtatapat ng dalaga.
Pangarap ni Sarah na kumuha ng kursong konektado na rin sa kanyang ginagawa ngayon.
“Siyempre iniisip ko dahil ito na talaga ’yung profession ko, singer na ako. Gusto ko ring ma-improve ’yung craft ko sa pagkanta ko, sa paÂgiging artist ko, sa music. Pangarap ko rin na maÂkatugtog ng instrument or music production ganyan. Siyempre hindi naman po forever itong career natin sa showbusiness,†paliwanag niya.
Samantala, pagdating naman sa usaping pag-ibig ay maugong pa rin ang balitang may espesyal nang namamagitan kina Sarah at Matteo Guidicelli.
“Okay naman. Okay lang na hanggang do’n na lang muna. Kung anuman po ’yung sasabihin ko, ayaw ko naman po na magsalita nang… basta gusto ko maging truthful sa inyo the best way that I can kaya gusto kong manahimik na lang muna,†giit ni Sarah. Reports from JAMES C. CANTOS