MANILA, Philippines - Magde-day off muna sina Doris at Sabel ng Be Careful with My Heart ngayong Linggo (Sept. 22) dahil sasama sila kay Kuya Kim sa paglilibot sa probinsiya ng Laguna sa isa na namang kapana-panabik na episode ng Matanglawin, 9:45 a.m. sa ABS-CBN.
Mula sa trekking, river rafting, at spelunking ay talaga namang handang sumaÂbak sina Doris at Sabel, o sina Tart at Vivieka sa totoong buhay, at mapaÂngahas pang titikman ang tubig ng isang natural pool na lasang soda.
Samantala, ipapaliwanag naman ni Kuya Kim kung ano ang kahalagahan ng Laguna sa buhay ng nag-iisang Da King na si Fernando Poe Jr. at sasamahan pa siya ng Kalokalike nito at isang dating katrabaho mismo ni FPJ.