MANILA, Philippines - Naagaw na ni “Miss Arimunding-munding†Alexis Navarro ang pansin ng local showbiz na pinapatunayan na ng mga award nomination na nakuha niya.
Si Alexis na isang maliit na babae pero sumisikat na Viva star ang nasa likod ng mabentang novelty song. Nominado siya ngayon sa apat na kategorya sa 2013 Star Awards For Music na ipagkakaloob ng Philippine Movie Press Club.
Kabilang sa kanyang apat na nominasyon ang new female recording artist of the year, novelty album of the year, novelty artist of the year, at novelty song of the year. Lahat ng mga ito ay nasa lakas ng hatak ng Arimunding-munding na carrier single ng kanyang self-titled na debut album mula sa Viva.
Malakas ang pakikipagkumpetensiya ng 22 anyos na baguhang mang-aawit lalo na sa mahalagang bakbakan sa kategorya ng new female recording artist. Gusto rin niyang manalo pero hindi niya ito inaasahan. Mas masaya siya sa opisyal na pagkilala sa kanya na ikinagulat niya.
“Sobrang hindi ko inaasahan ang mga nomination,†sabi ni Alexis. “Masayang-masaya na ako nung naging hit ang song. ’Tapos ngayon may chance pa na magka-award. Malaking biyaya sa akin ito dahil bago lang ako sa recording. Karangalan sa akin ang manomina pero siyempre I’m keeping my fingers crossed na may mapanalunan.â€
Bukod sa unti-unting paghubog ng kanyang pangalan sa musika, sumabak na rin siya sa pelikula. Siya ang bidang babae sa pelikulang Tinik, isang adult drama na idinirihe ng kilalang beteranong si Romy Suzara. Ang pelikula ay bahagi kamakailan ng Sineng Pambansa: All Masters Edition Film Festival na nagtanghal sa bagong mga likha ng mga tulad nina Peque Gallaga, Chito Roño, at Joey Reyes.
“Una ko iyang lead role sa pelikula at ikinararangal ko na mula ito sa isang iginagalang na beterano sa industriya,†sabi pa ni Alexis. “Kaya ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko.â€