MANILA, Philippines - Mabibili na sa mga suking video outlets nationwide ang DVD ng mas maÂlinaw at mas pinaganda pang kopya ng isa sa pinakamahalagang obra sa larangan ng pelikula sa bansa, ang Oro Plata Mata.
Kakaiba at talaga namang moderno ang panonood na inyong mararanasan dahil mas mataas na ang kalidad ng nasabing pelikula na ngayo’y in full HD na matapos itong matagumpay na nai-restore ng ABS-CBN Film Archives sa pakikipagtulungan sa Central Digital Laboratory.
Sa pamamagitan ng pag-restore o proseso ng “resÂÂtoration,†napanunumbalik sa dating kalidad ang mga lumang pelikula na animo’y ginawa lang sa kasalukuyang panahon. Unang ni-restore ng ABS-CBN ang pelikulang Himala sa direksiyon ni Ishmael Bernal, sa panulat ni Ricky Lee, at pinagbidahan ng superstar na si Nora Aunor. Sadyang naging matagumpay ito kung kaya’t agad din na ini-restore ang Oro Plata Mata, na itinuturing na isa sa pinakamagandang pelikula na ginawa noong 80s.
ABS-CBN ang nagsimula at nanguna sa pagre-restore ng mga classic Filipino film sa bansa at kauna-unahan naman sa Asya na gumawa ng malaÂwakang kampanya para muling ipakilala ang isang pelikulang nilikha 30 taon na ang nakakalipas sa kasalukuyan at mas batang henerasyon. Tulad na lang ng Himala na hindi lang napanood ng mga Pilipino sa sinehan, kung hindi napanood din sa telebisyon, cable, at sa ibang bansa via pay-per-view.
“Layunin namin na maiparanas sa kasalukuyang mga manonood ang ilan sa pinakamahahalagang titulo sa kasaysayan ng pelikula sa bansa. Hindi tumitigil ang aming serbisyo sa pag-restore lamang ng lumang films kung hindi pati na rin sa kung paano namin mahihikayat ang panibagong audience na panoorin at tangkiliking muli ito,†sabi ni ABS-CBN Film Archives head Leo Katigbak.
Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-60 ng teÂleÂbisyon sa bansa, patuloy ang ABS-CBN Film Archives sa kanilang sinumulang adhikain kaya naman patuloy pa rin ang pagÂre-restore nila ng mga natatanging mga titulo.
Isa sa kanilang pinagugugulan ng oras sa ngayon ang restoration ng classic romantic musical drama na Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon†sa pangunguna ng yumaong national artist na si Eddie Romero. Nakuha kamakailan ni Katigbak ang rights mula sa National Commission for Culture and the Arts para i-restore ang FAMAS at Gawad Urian award-winning film.
“Kinakailangan naming masalba ang mga classic na pelikula bago pa man ito tuluyang masira,†dagdag pa ni Katigbak.