Sarah ‘di dapat maging pikon

Hindi naman halata at kundi lamang binanggit ito ni Sarah Geronimo na nasasaktan siya sa mga comment tungkol sa kanya ng kapwa niya coach sa The Voice of the Philippines na sina Lea Salonga at Bamboo. Kasabay ng pagsasabi niya ng kanyang nararamdaman ay ang pag-amin na meron din naman siyang natututunan sa mga pamumuna ng dalawa at ito ang nagbibigay sa kanya ng katatagan para pagbutihin pa ang kanyang trabaho sa popular na singing contest.

Ang isa marahil sa mga mahahalagang leksiyon na dapat matutunan ng Pop Princess sa kanyang pagsali sa The Voice… ay ang huwag maging pikon and turn ’yung mga puwede niyang ikagalit into something positive.

Mga kaibigan ni Melai walang bilib kay Jason

Kung ako si Jason Francisco, talagang pangangatawanan ko ’yung pagbibigay ng seguridad sa magiging ina ng anak niya na si Melai Cantiveros. Obviously lahat ng friends nila ay nag-aalala para kay Melai na parang hindi niya mabibigyan ng magandang kinabukasan.

Dapat siguro, kung ganyang matumal ang offer para sa pag-aartista ay tanggapin na niya ’yung offer ng isang tiyahin na magtrabaho sa farm nito sa US. Iwan na muna niya si Melai dahil may career naman sa Pilipinas at kung hindi lamang nagbuntis ay hindi madedehado sa trabaho.

Pero kung may pag-asa pa si Jason sa Pilipinas, then i-pursue niya. I-prove lang niya sa lahat na kaya niyang panagutan si Melai. Kailangan din na pakasalan na niya.

Show comments