Child star ibinuko ang sarili na inaabot ng madaling araw ang kanyang taping; Serye nina Christian at Mikael hindi naramdamang nagtapos na

Seen : Ang Instagram at FB posts ng child star na si Miggs Cuaderno na inabot ng madaling-araw ang taping niya para sa isang teleserye. Ipinagbabawal ng DOLE na mapuyat sa taping ang mga child actor.

Scene :  Si Senator Grace Poe ang special guest ni Edu Manzano sa second episode ng What’s Up Doods? na mapapanood ngayong gabi, 9:00 p.m., sa TV5.

Seen : Ang despedida party para kay Gretchen Barretto noong Huwebes dahil pupunta na sila sa London ng kanyang anak na si Dominique. Mag-aaral sa London si Dominique pero babalik ito sa December sa Pilipinas dahil dito niya ipagdiriwang ang Pasko.

Scene : “Baba” ang term of endearment ng ex-beauty queen na si Liza Dino sa kanyang special partner na si Aiza Seguerra. Si Liza ang nag-alaga kay Aiza nang sumpungin ito ng asthma.

Seen :  Tuluy-tuloy ang training ni Congressman Manny Pacquiao para sa laban nila ni Brandon Rios sa Macau sa November. Nag-eensayo si Pacquiao sa Pacquiao Wildcard Gym sa General Santos City.

Scene : Hindi masyadong naramdaman ang finale episode kahapon ng With a Smile, ang pang-umaga na teleserye nina Christian Bautista, Mikael Daez, at Andrea Torres.

Seen : Carbon copy ni Katrina Halili ang kanyang anak na si Katie. Hindi lang minana ng bata ang matangos na ilong ng kanyang ina.

Scene : Araw-araw ang taping ng mga artista ng Juan Dela Cruz ng ABS-CBN dahil for airing ang kanilang mga eksena.

Show comments