Maglalaro lang daw ng basketball sa liga na pang-barangay ang hitsura mga nanood sa concert ni Rihanna nag-enjoy pero niligwak ang suot na parang napadaan lang

Maldito ang ilan sa mga nanood ng concert ni Rihanna noong Huwebes ng gabi sa The Arena ng Mall of Asia sa Pasay City.

Nag-enjoy daw sila sa panonood pero hindi nila feel ang suot ni Rihanna na tila napadaan lang sa The Arena at biglang kumanta.

Hindi raw nag-effort si Rihanna na magdamit ng maayos dahil parang maglalaro lamang siya ng basketball sa isang liga na pang-barangay.

Si Rihanna rin daw ang younger version ng comedienne na si Jinky Oda dahil kalokalike sila.

Pinay sa X Factor USA naiyak nang puri-purihin ni Simon Cowell

Ellona Santiago ang name ng Pinay na sumali sa The X Factor USA at toast of the Filipino community sa Amerika dahil napahanga niya ang judges sa pangunguna ni Simon Cowell na may mata at tenga sa pagpili ng mga magagaling na singer.

Umiyak si Ellona sa mga papuri sa kanya ni Simon at ng co-judges nito. Hindi makapaniwala ang contestant na magugustuhan ng mga hurado ang kanyang performance.

Mahiyain si Ellona pero lumilitaw ang pagiging halimaw niya kapag kuma­kanta na siya. Hawig siya sa Fil-Mexican singer na si Jessica Sanchez pero mas Pinay na Pinay ang hitsura ni Ellona. May duda ako na parehong mga Pinoy ang kanyang mga magulang.

Kristoffer ramdam na ramdam ang pressure sa pagbibida

Sinagot ni Kristoffer Martin ang isyu na baka magselos ang fans nila ni Joyce Ching sa love team nila ni Julie Anne San Jose sa Kahit Nasaan Ka Man.

Ang say ni Kristoffer, nag-usap sila ng maayos ni Joyce na walang dapat ipagselos kay Julie Anne. Sure na sure si Kristoffer na hindi magseselos ang fans nila ni Joyce kay Julie Anne, ang leading lady niya sa primetime teleserye ng GMA 7 na airing na sa Lunes, Sept. 23.

Kabadung-kabado si Kristoffer dahil first time nito na maging bida sa isang teleserye. Ramdam na ramdam niya ang pressure. Hindi naman siya nag-iisa dahil matinding pressure rin ang nararamdaman ni Julie Anne.

Derek at Dr. Vicki parehong nanalo sa Adobo Festival, limang oras nakipag-piktyuran sa mga Pinoy sa Cali

Naibalita ko na noon na si Derek Ramsay ang kasama ni Dr. Vicki Belo sa annual Adobo Festival na ginanap sa Martinez Waterfront Park, California, USA.

Si Doktora Belo ang pinarangalan ng The Most Trusted Brand by Filipinos Worldwide sa event na pinuntahan ng libu-libong Filipino-Americans. Si Derek naman ang tumanggap ng award na The Most Popular Actor and Celebrity Endorser 2013. Matagal na siyang endorser ng Belo Medical Clinic.

 â€œIt’s always a pleasure to be in a gathering of Filipinos and Filipino families. There’s never a shortage of laughter, fun, and great food. California is the most populous US state and is home to more than half of the entire Fil-Am population in America. Everyone gets a chance to get together and celebrate all the things they miss about living in the Philippines and love about being Filipino,” ang sabi ni Mama Vicki sa kanyang beauty talk sa Adobo Festival.

Hindi nasayang ang pagpunta ng mga Pinoy sa Adobo Festival dahil naging accommodating sina Mama Vicki at Derek sa photo op at autograph-signing sessions. Hindi naringgan ng reklamo ang dalawa sa limang oras na pagpapakuha nila ng litrato at pagpirma ng autograph para sa Pinoy fans.

Ang businessman na si Joey Camins ang founder ng Adobo Festival noong 2006. Naging annual event ang festival dahil sa unanimous endorsement ng Bay Area Centennial Fil-Am Committee.

Imbes na idaos sa isang lugar ang Adobo Festival, naisip ng JS Camins Productions na dalhin ’yon sa Bay Area tulad ng Daly City, Newark, San Jose, Stockton, Sacramento, Vallejo, Milpitas, at Martinez. Nonstop ang entertainment sa dalawang araw na Adobo Festival na dinaluhan ng mga local performer at mga sikat na Pinoy celebrity.

                                             

Show comments