Heart hindi na kayang kumain ng baboy!

Matutuwa ang animal lovers kay Heart Evangelista dahil hindi na lang dogs ang mahal nito ngayon dahil pati mga baboy, love na rin nito. Malaki ang kinalaman ng bago niyang soap na Magkano Ba ang Pag-ibig?

Kuwento ni Heart, nang mag-taping sila sa isang piggery sa Sta. Cruz, Laguna, nagpalitson siya ng baboy at dahil piggery, maraming baboy sa paligid. Naaliw siya sa mga baboy na lumapit sa kanya ‘pag kanyang tinatawag at nagwa-wagwag ng tail.

Dahil doon, never na raw siyang kakain ng lechon dahil naaawa siya sa mga baboy at baka hindi lang lechon ang hindi na kainin, lahat ng pork dishes.

Anyway, inintriga si Heart dahil pang-Afternoon Prime uli ang bago niyang soap na magbubukas sa September 30. Matagal na raw siyang hindi napapanood sa telebabad ng GMA Network, pero sabi nito hindi siya nagrereklamo dahil ayaw niyang maging pasaway. Ang importante sa kanya’y maganda ang project at hindi siya nagkamali sa Magkano Ba ang Pag-ibig?

Excited din siya dahil first time niya to work with direk Maryo J. Delos Reyes na noong una’y kinatakutan niya. “Wala pala akong dapat katakutan dahil mabait siya at magaling na director,” sabi ni Heart.

Batang aktor mahilig manundot ng puwet

Nakakatuwa ang dalawang bagets na kasama sa isang soap dahil sa edad nilang wala pang 10 years old, pinaiiral na ang pagi­ging mga propesyonal. On came­ra, best friends ang mga bagets, ang ganda ng chemistry nila at swak ang palitan ng dialogue at iisiping magkasundo ang dalawa.

Off-camera ibang usapan dahil hindi friends ang dalawa. In fact, iniiwasan ng batang aktres ang batang aktor dahil salbahe raw. Nang makitang papalapit ang batang aktor, mabilis itong lumipat ng upuan. Ugali pala ng batang aktor na kunwari may ibubulong sa kanya, pero sumisigaw sa tenga niya.

Mahilig din daw manundot ng behind ang batang aktor at kahit ilang beses nang pinagsabihan ng mommy niya, hindi pa rin tumitigil. Kaya paulit-ulit na “ayoko” ang sagot nang tanungin kung gusto niyang maging friends ang batang aktor.

In fairness sa batang aktor, hindi itinanggi ang mga akusasyon sa kanya ng batang aktres at para siguro makaganti, sinabing hindi niya crush ang batang babae. Ang kalaro nilang batang babae raw ang crush niya. Hahaha! Ang cute!

Eula nagsalita sa ‘hiwalayan’ nila ng bagets na live in partner

Mapapanood na uli si Eula Valdez sa GMA 7 dahil kasama siya sa cast ng musical drama na Kahit Nasaan Ka Man as the adoptive mother of Kristoffer Martin’s character. Naka-relate siya sa kanyang role dahil in real life, ang eldest niya ay 18 years old, kaya ang edad ng aktor ang unang tinanong sa first meeting nila.

Natuwa si Eula nang malamang halos magkasing-edad ang anak at ang aktor, kaya magaan daw agad ang loob niya kay Kristoffer. Tiniyak nitong mag-i-enjoy siya sa kanyang role sa musical drama na tatakbo ng eight weeks.

Samantala, itinanggi ni Eula ang tsikang naghiwalay na sila ng BF niyang si Rocky Salumbides dahil magkasama pa rin sila. Parang ang dinig nga namin, sinamahan siya nito sa pictorial ng Kahit Nasaan Ka Man. Sa reaction nito sa isyu, parang malabo silang maghiwalay sa ngayon.

sana dati napansin sa kasimplehan

Puro magagandang feedback ang nabasa namin nang unang ipalabas sa Cinemalaya ang Sana Dati. Iisa ang sinabi ng karamihan sa mga nakapanood nito, maganda ang movie sa pagiging simple.

Starting September 25, mapapanood ang movie sa mas maraming sinehan dahil may commercial run ito at sana, sipagin ang moviegoers na panoorin ito para mas ganahan pa si director Jerrold Tarog na gumawa ng magagandang pelikula.

Sa Sana Dati unang nanalo ng acting award si TJ Trinidad na nanalong best supporting actor. Hindi lang niya natanggap ng personal ang kanyang award dahil siya ang nag-aalaga ng baby niya that time at day off ng yaya nito.

 

 

Show comments