Emote ni Lovi sinagot ng diyos!

MANILA, Philippines - Aminado si Lovi Poe na dumating siya sa puntong nakaramdam siya ng burnt out (exhausted dahil sa matagal na stress). As in kailangan niyang magtrabaho kahit may sakit na siya. At kahit gusto niyang magpahinga, walang chance. Kaya naman nung minsan ay hindi na niya natiis kaya naghanap siya ng simbahan para makapag-emote.

Nagpunta siya sa St. Paul Adoration Chapel sa Timog Avenue at doon siya nagdasal na ang pakiramdam niya ay kinausap siya ng Diyos.

Na-realize niya sa nasabing pag-e-emote na sinagot siya ng Diyos na ang dami palang mas malalang problema sa paligid samantalang siya, ‘yun lang, exhausted lang.

“Ang pumasok sa utak ko is that, ang babaw naman ng ine-emote ko. And I was thinking of the Zamboanga (crisis), ang daming pumapasok sa utak ko, ang babaw ko (pala).

“Parang wala akong karapatang ma-burn-out and ma-feel stressed dahil mas mahirap ang nararanasan ng maraming tao.  So since then, after that, pinagdasal ko na lang ‘yung ibang tao,” kuwento niya.

Wala naman siyang nakasamaan ng loob, talaga lang daw super pagod siya.

 â€œSo, ‘yun, pagod na pagod lang talaga ako as in I’m sick everyday but I still go to work. So medyo bumigay lang ako nung night na ‘yun. I cried, ganyan-ganyan,” sabi ng aktres sa presscon ng pelikulang Sana Dati na magkakaroon ng commercial exhibition.

Very in demand kasi talaga si Lovi. Imagine may kasali siyang pelikula sa ginanap na Cinemalaya Film Festival, ang Sana Dati, at sa katatapos na Sineng Pambansa, ang Lihis. Parehong maganda ang role niya sa dalawang pelikula. Tapos nag-umpisa rin siya sa Akin Pa Rin ang Bukas, ang kanyang serye sa GMA 7. Meron pa siyang show sa GMA News TV na Titser. So wala nga siyang pahinga. Eh kalilipat ng bahay ni Lovi.

Anway, sa September 25 na mapapanood sa mga sinehan ang Cinemalaya film ni Lovi na Sana Dati. Uulitin ko na maganda ang pelikula sa simpleng love story.

Best Picture in Director’s Showcase Category ang Sana Dati na dinirek ni Jerrold Tarog. Released by GMA Films.

Aside from Lovi, kasama rin sa pelikula sina Paulo Avelino, TJ Trinidad, Benjamin Alves, and Ria Garcia.

Si Direk Jarrold ang nanalong Best Director, TJ also won Best Supporting Actor, Best Sound (Roger TJ Ladro), Best Original Music Score (Jerrold Tarog), Best Editing (Pats Ranyo), Best Production Design (Ericson Navarro), and Best Cinematography (Mackie Galvez) para sa pelikulang ito.

Sana Dati is the third part of Jerrold Tarog’s Camera Trilogy after Confessional (2007) and Mangatyanan (2009).

Sana Dati has been unanimously given a grade of “A” by the Cinema Evaluation Board.

Apl.de.ap nahihirapang mag-decide sa The Voice…

Isang umaatikabong salpukan sa kantahan ang magaganap sa pagitan ng Top 8 artists ng The Voice of the Philippines para masungkit ang nag-iisang slot bawat team para sa inaabangang grand finals ng singing-reality show ng ABS-CBN.

Painit nang painit ang pasiklaban dahil huling dalawang linggo ng The Voice, apat na Live Shows ngayong Setyembre 21, 22, 28, at ang grand finals sa September 29. Makakaboto na rin ang taong bayan sa Live Shows tuwing Sabado.

Ngayong Sabado (Sept 21) at Linggo (Sept 22), paghaharapin na ang dalawang artists ng teams nina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga upang makuha ang top 4 artist na maglalaban-laban.

Para mapagpasiyahan kung sino ang nag-iisang artist na magtatayo ng bandera ng kanyang team sa grand finals, pagsasamahin ang porsiyentong nakuha ng isang artist mula sa public votes sa Live Shows ng Sabado at Linggo at ang score na ibibigay ng kanyang coach.

Bakbakan ng four-chair turners ang magaganap sa Team Apl sa pagitan ng tinaguriang ‘mighty’ Thor at ni Janice Javier, na parehong may maipagmamalaking experience pagdating sa pagpe-perform. Pero sino kaya ang kakampihan ni Apl at ng publiko sa kanila?

Kaya naman hirap mag-decide si Apl.

Dalawang divas naman ang magtutunggali mula sa Team Sarah ng parehong bata ngunit palabang sina Morissette Amon at Klarisse de Guzman. Nahasa na ang dalawa sa pagsabak sa iba’t ibang singing competition, ngunit sa The Voice, handa na silang ipaglaban ang kanilang pangarap na maging susunod na singing superstar.

Para naman sa Kamp Kawayan o Team Bamboo, maglalaban ang singing heartthrobs na sina Paolo Onesa at Myk Perez.

Sagupaan naman ng mga beterano ang dapat na abangan sa pagitan nina Mitoy at Radha ng Team Lea. Makamit kaya ni Radha ang hinahanap niyang ‘second chance’ na magtagumpay sa industriya o mapunta kay Mitoy ang pagkakataong magkaroon ng big break?

Kaninong boses ang mananaig sa puso ng publiko at ng coaches? Sinu-sino ang apat na artists na sasabak sa grand finals?

Speaking of The Voice, hindi lang pala ako ang nakapansin na parang gulung-gulo ang utak ni Apl.De.Ap last Sunday. Kinailangan pang tumayo ni Ms. Lea kasi ang tagal bago makapili ni Apl.

Ang feeling tuloy ng ibang nanonood, para raw lasing ang international singer. Pero feeling ko, nahihirapan lang siyang mag-decide kaya ganun.

Minsan din naman, medyo hirap din si Sarah dahil parang ayaw niyang makitang makitang malungkot ang member ng kanyang team na kailangan na niyang tsugihin.

Pero wala na silang magagawa sa last week ng kanilang programa dahil kailangan na talaga nilang mamili.

 

 

Show comments