MANILA, Philippines - Nagpahayag ng malaking panghihinayang sina Dawn Zulueta at Assunta de Rossi, parehong asawa ng mga kongresista, sa diumano’y paglustay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng ilang mambabatas sa Tapatan ni Tunying ngayong Huwebes (SetÂyembre 19).
Paniwala ni Dawn aktres, ang tuluyang pagbasura sa pork barrel ang reresolba sa kurapsyon.
“Tanggalin na lang natin ang pork barrel mula sa kanila,†saad niya.
“Dito, malalaman talaga natin kung sinu-sino ‘yong mga taos-pusong naglilingkod,†sabi ni Assunta bilang pagsang-ayon kay Dawn.
Magbabahagi rin sina Dawn at Assunta ng tungkol sa kanilang personal na buhay partikular sa kung paano nila nababalanse ang showbiz at pulitika kaugnay ng pagkakaroon nila ng asawang pulitiko.
Ayon kay Dawn, maybahay ni Davao del Norte Rep. Anton LagdaÂmeo Jr., tutol siya sa pagpasok nito sa pulitika noong una, ngunit nang mabigyang pagkakataon si Anton na makapagsilbi sa bayan, buong-puso niya na lamang itong sinuportahan.
“Madali lang naman makapag-adjust. Ang pulitika at showbiz, halos pareho lang. Kapag kailangan niya ako, nandoon lang ako,†pahayag ni Dawn.
Samantala, pinarating naman ni Assunta ang kasabikan nito na magkaroon ng panganay na anak gayong sampung taon na rin silang kasal ni Negros Occidental Rep. Jules Ledesma.
“Pagkatapos ng eleksyon, sabi ko, sana ako naman ‘yong maging prayoridad niya tutal huling termino na niya ito. Ang sinasabi ko lang, dahan-dahan muna sa pulitika at isipin naman muna ang pamilya,†sabi ni Assunta.
Mapapanood ngayong Huwebes ang Tapatan ni Tunying (TNT) ngayong Huwebes, 4:45 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.