^

PSN Showbiz

Heart umamin na sa naging relasyon nila ni Sid

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi shocking ang pagtatapat ni Heart Evangelista sa presscon ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? na may past sila ni Sid Lucero.

Natatandaan ko na pinag-uusapan noon sa apat na sulok ng GMA 7 compound ang kakaibang closeness nina Sid at Heart pero hindi ito naging big issue. May mga sighting sa kanila at may isyu na hindi sila nagpansinan sa isang guesting nila noon sa Startalk.

Open na si Heart sa pagkukuwento tungkol sa episode noon ng special friendship nila ni Sid dahil past is past. Maligaya na siya sa piling ni Senator Chiz Escudero at tatay na si Sid ng isang healthy baby girl.

Nasorpresa lang siguro si Sid dahil hindi niya expected na ikukuwento ni Heart sa presscon ng teleserye nila ang kanilang secret na hindi masyadong secret.

Sid hindi na chubby

Medyo pumayat na si Sid nang umapir sa presscon ng Magkano Ba ang Pag-ibig? dahil nagbunga na ang pagpunta niya sa gym.

Ang kanyang half-brother na si Gabby Eigenmann ang dapat na maging inspirasyon ni Sid. Fit na fit si Gabby dahil seryoso ito sa pagpapapayat. Ang sabi ni Gabby, para sa kanyang health ang ginagawa niya dahil nagkakaedad na siya, hindi lamang para magmukhang payat sa television screen.

Kris Lawrence si JayR pa rin ang kasama sa bahay, Katrina sa iba pa nakatira

Hindi pa naaasikaso ni Kris Lawrence ang citizenship ng anak nila ni Katrina Halili. Dual dapat ang citizenship ng bagets bilang American citizen ang kanyang ama.

One year old na kahapon si Katie pero hindi pa dual ang kanyang citizenship at ito nga ang naikuwento ni Katrina sa mga reporter na kausap niya sa presscon ng Magkano Ba ang Pag-ibig?

Walang plano si Katrina na manirahan sa Amerika dahil nasa Pilipinas ang kanyang buhay pero gusto  niya na maging US citizen si Katie, alang-alang sa future ng anak. Hindi pa rin nagsasama sa iisang bubong sina Kris at Katrina. Hindi pa rin nila binabalak na magpakasal. Regular na dinadalaw ni Kris ang kanyang mag-ina dahil  halos magkalapit lamang ang mga bahay na tinitirhan nila. Housemates pa rin si Kris at ang kanyang bestfriend, ang singer na si JayR.

Manay Celia namimili lang ng tatarayan

Mataray pero may mabuting puso at kalooban ang role ni Manay Celia Rodriguez sa Magkano Ba ang Pag-ibig?

As herself ang karakter ni Manay Celia dahil sa tunay na buhay, napakabait at matulungin niya. Malayung-malayo sa kanyang matataray roles sa mga teleserye at pelikula.

Image lang ni Manay ang pagiging supladita, palaban at mata-pobre. Totoong glamorosa si Manay kapag wala sa harap ng mga kamera pero isa siya sa mga tunay at mapagkakatiwalaan na kaibigan. I should know dahil  ilang dekada na ang friendship ko sa original manay sa local showbiz.

Sharon at ogie, naunahan ng mga bagets kay Ellen

May mga nabitin sa guesting ng magpinsan na Aldrich Talonding at James Bucong sa show ni Ellen DeGeneres.

Sa mga hindi satisfied, mapapanood ang magpinsan sa The Mega and The Songwriter sa darating na Linggo.

Makikipagkuwentuhan sina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid kina Aldrich at James. Itatanong nila ang naging karanasan ng magpinsan sa unang biyahe  sa Amerika at sa kanilang guesting sa sikat na show ni Ellen.

Sosyal ang magpinsan dahil naunahan pa nila sina Sharon at Ogie na umapir sa programa ni Ellen. Dream ng mga local singer na makapag-guest sa mga US talk show na tulad ng Ellen.

                                                          

 

 

 

DAHIL

KANYANG

KRIS LAWRENCE

MAGKANO BA

MANAY CELIA

NILA

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with