Richard mas maa-appreciate kung hindi maglilihim

Kawawa naman ang ‘anak’ ni Richard Gutierrez, kung meron man, na itinatago siya ng kanyang ama dahil sa career.

Pero alam nang tanggapin ng fans ang mga artista sa mga kakayahang ipinamamalas nila at hindi dahilan sa kanilang estado sa buhay. Kung totoo mang may anak ka na, mas ma-appreciate ng fans kung maging matapat at open ka.                                               

Charice hindi makakalusot ng kasal sa kapwa babae sa ’Pinas

Papayagan ba si Charice at ang girlfriend niya na magpakasal? Baka rito sa atin ay hindi pero mara­ming bansa na ang gumagawa nito. Kaya kung talagang gusto nila, puwedeng maganap ito sa ibang bansa, kaya naman nila, may pera naman sila. 

Nakikinita ko na nga sa malapit na hinaharap ang tuluyang pagyakap ng tao sa relasyon ng may magkakamukhang kasarian. Hindi ba? Ang ilan kong mga kaibigan ay naaapektuhan pa rin ng mga magkakarelasyon na parehong babae. Pero ’yung parehong lalaki ay tanggap na niya.

Show comments