Totoo pala ’yung tsika tungkol sa ginagawa ng manager ng isang young talent sa taping ng show nito. May cut-off ang talent sa taping at ’pag malapit na ang oras ng cut-off ay tatayo na ang manager sa tabi ng camera na kumukuha sa talent at tinitiyak na nakikita siya ng cameramen, production staff, at ng director.
Kaya kahit nagsasalita at nakatayo lang alam na ng director kung ano ang gustong sabihin. Pagdating ng cut-off time, tapos man o hindi ang mga eksena ng talent, kailangan siyang i-release.
In fairness sa manager, may time na pumapayag siya na i-extend ng two hours ang shooting schedule ng kanyang talent kung kailaÂngang-kailangan ang eksena at kung walang pasok kinabukasan.
Ang pambawi lang ng manager, magaling umarte ang kanyang talent, madalas take one, kaya mabilis natatapos ang mga eksena nito.
Done deal!
Natuloy ang pakikipag-meeting ni Ryan Agoncillo sa bossing ng GMA Network last Monday. Mga 3 p.m. nakita ang TV host-actor na nakapila sa elevator paakyat sa office ni Atty. Felipe Gozon. Galing ito sa Eat Bulaga, his first day to report after magkasakit ng dengue at pneumonia.
Maganda raw ang kinalabasan ng meeting ng TV host-actor at dinala ito sa office ng ibang bossing kasama si Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films. Masaya raw ang atmosphere sa network, nagmistulang reunion ang nangyari dahil kung inyong natatandaan ay sa GMA 7 naman talaga nagsimula si Ryan.
Isa pang tanong, ’pag pumirma ng kontrata si Ryan, sa Forbes Park sa Makati City din ba gagawin? Nagiging favorite venue ito ng contract-signing events ng GMA 7 talents. Si Marian Rivera sa Manila Golf Club pumirma at si Dingdong Dantes ay sa Manila Polo Club na parehong nasa loob ng Forbes Park.
Jean inspirado sa bagong dyowa na non-showbiz
Solo na ni Jean Garcia ang pagho-host sa Love Hotline, ang ipapalit ng GMA News TV sa PersoÂnalan na mapanood Monday to Friday, 7 p.m., simula sa Sept. 23. Sari-saring problema na inilapit sa show ang tutulungang lutasin nina Jean, love expert at resident psychologist Ali Gui, at guest male celebrity.
Para mas magustuhan ng viewers, may dramatization ang ilalapit na love problem at mismong ang may problema ang iinterbyuhin. Magandang talakayan ito dahil may kilig, lungkot, at luha.
Sobra ang pasasalamat ni Jean sa GMA 7 sa ibinigay na bagong show sa kanya dahil katumbas nito’y ang malaking tiwala sa kanya na kaya niyang magdala ng talk show na siya ang solong host. Dati nga naman, musical variety ang hino-host niya, ngayon ay seryosong programa na.
And yes! Inamin ni Jean na may love life siya, she’s inspired, pero hindi na pinangalanan ang guy dahil non-showbiz daw.