MANILA, Philippines - Natapos na kahapon ang anim na araw na Sineng Pambansa: National Film Festival All-Masters Edition. Sa press release na ipinadala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Mr. Briccio Santos, nagpapasalamat sila sa naging suporta ng mga nanood sa mga pelikulang kasali.
Nag-apologize rin sila sa delays and changes sa screening schedules sa SM cinemas. May no-pull out policy sa FDCP at SM.
“We would like to reiterate our gratitude to SM Cinemas for partnering with us in this endeavor. Their willingness to provide more than 300 screens all over the nation for a whole week is truly nothing less than a strong affirmation of their all-out support to Philippine Cinema. This is an example of a public-private partnership that we hope will continue for years to come.
“We congratulate as well all of our master directors who have came up with masterpieces that we are truly proud to have co-produced.
“A festival of this scope and reach is truly unprecedented. FDCP is doing its best to bring Filipino films to more Filipinos nationwide. We ask that the public and our partners remain committed in sharing our mission and advocacies,†sabi sa statement ng FDCP.
Namimili na ang grupo ng mga possible entries sa 2013 Sineng Pambansa.
Sa kabuuan, balitang nanguna sa 11 na pelikulang nakasali sa Sineng Pambansa ang Lihis. Pinuri rin ang iba pang mga kasali tulad ng Sonata, Badil, Bamboo Flowers at iba pang mga kasali.
Sana Dati Graded A!
Ang ganda pala talaga ng pelikulang Sana Dati, ang best film sa ginanap na 2013 Cinemalaya. Magkakaroon ito ng commercial exhibition pero hindi ko pa naririnig kung kailan.
Pinagbibidahan ang Sana Dati nina Lovi Poe, TJ Trinidad, Paulo Avelino, Benjamin Alves, Joey Paras, Carla Martinez, Nico Antonio, at marami pang iba.
Dinirek ito ni Jerrold TaÂrog na nakilala sa mga horror film pero iba ang naÂging atake niya sa istorÂya ng pelikulang ito. Love story at hahawakan ang emosyon mo. Ikakasal na lang ang bida nang bigÂlang may dumating na magpapagulo sa utak ng ikakasal.
Exceptionally good ang Sana Dati na graded A ng Cinema Evaluation Board.
Hindi ko na ikukuwento kaya dapat panoorin n’yo sa mga sinehan.
Megan lumutang sa Beach Fashion ng Miss World, pero wala sa talent competition
Hindi pala nakasali sa 12 finalist sa talent competition ang pambato nating si Megan Young. Kumanta si Megan. Pero finalist naman siya sa Beach Fashion elimination.
Uy baka nalilimutan natin siyang iboto ha. Kasi occupied ang maraming tao sa pork barrel scam at bakbakan sa Zamboanga. Ang pagpapanalo kay Megan sa pamamagitan ng pagboto sa Internet ay isang malaking pang-balance sa nakakalokang pangyayari sa ating bayan.